Chapter 82

22.2K 431 37
                                    

Mia's POV:

Nanlalaki ang aking mga mata sa nakikita ko ngayon. Hindi ako mapakaniwala na nasa harap ko siya ngayon. Ilang taon ko rin siyang hindi nakita at malapit ko na nga siyang hindi makilala 'e.

Nang mas lalo pa itong lumapit sa amin,tuluyan ko nang nakita ang mukha niya. Nakita naman niya ako agad pero inuna niyang balingan ang mga tauhan niya. Sana pala yung mas mapagkalatiwalaan yung mga kinuha niyang tauhan.

Magkano kaya ibinayad nito sa mga tauhan niya no'? Siguro mura lang. Tignan mo naman kase ang mga tauhan niya parang kulang sa galing.

Nakidnapp nga talaga kami. Hindi sila nagkamali sa pagkuha samin. Umasa pa naman ako na nagkamali sila pero hindi naman pala. Ang munting pag-asa na nadarama ko kanina ay nawala. Puro lungkot, takot at pangamba ang nararamdaman ko ngayon.

"GET OUT OF MY SIGHT!" Matigas niyang utos sa mga tauhan niya na nagmamadaling umalis palabas sa kwartong ito. Tumingin naman ako sa kaniya ng humihingi ng tulong pero nanatili siyang nakatayo sa harap ko.

Tinanggal nito ang nakatakip sa bibig ko kaya wala akong sinayang na oras para magsalita. Agad-agad akong humingi ng tulong at pakawalan niya ako.

"D-dad!" Nauutal kong sabi sa kaniya. Maaaring nagtataka kayo ngayon kung sino ang nasa harap ko. Walang iba kundi ang Papa ni Bryle. Ngayon ko lang nalaman na nandito pala ito sa Pilipinas. Ibabalik niya na ba ako sa anak niyang demonyo?

"Iha. Thank God at nahanap ka na rin namin." Pagkatapos niyang masabi iyan sa akin. Unti-unti akong may naaninag na tao sa likod niya. At dun ko napag-alaman na si Mama pala. May mumunting luha na lumalabas sa kaniyang mga mata at nakangiti ito sa akin.

"P-parang-awa niyo na po. 'W'wag niyo po akong ibabalik kay B-bryle." Pakiusap ko sa kanila. Nilapitan naman ako ni Mama at hinaplos ang pisngi ko. Mas lalo naman siyang napaiyak habang si Dad naman ay pumunta sa likod ko at tinanggal ang nakatali sa nga kamay ko. Tumayo naman ako agad at tinignan si Mama sa mata.

Kung sila pala ang may pakana sa pagkidnapp sa amin, ba't hindi ko man lang nabosesan ang boses ni Dad? Sabagay, hindi naman ako masyadong pamilyar sa boses niya dahil minsan lang naman kami nagkausap at 'yun ay ang kasal namin ng anak nila.

"Ilang taon ka namin hinanap Mia." Sabi ni Mama at niyakap ako. Yumakap naman ako pabalik sa kaniya at napaluha na rin. Hindi ko maitatanggi sa sarili ko na namiss ko rin sila. Ilang taon ko rin silang inisip kug kamusta na sila o kaya ay masaya ba sila na wala na ako sa buhay nila.

"K-kaya niyo po ba ako hinanap dahil ibabalik niyo ako kay B-bryle?"

"OFCOURSE NOT! Hindi pa naman ako ganun kabaliw lara isauli ka sa anak ko. Alam ko Mia kung ba't ka nawala at dahil iyon sa anak namin."

"Pero Ma. Paano niyo po ako nahanap?"

"Naalala mo pa ba ang kaibigan ko na may-ari ng isang boutique sa Mall? She called me to tell the good news. I'm thankful to her because she found you accidentally. Kaya agad-agad kitang ipinahanap pati na rin sa malapit sa Mall na'yun." Paliwanag nito.

Naintindihan ko naman ang sinabi niya kaya tumango na lang ako.

"By the way, saan ka nga pala tumira at sinong tumulong sa'yo so that we can thank him or her?" Tanong ni Dad sa akin. Nakalimutan ko na narito pala siya. Hindi naman kasi siya nagsasalita 'e!

"Tinulungan po ni Bane na nakilala ko po dun sa gubat na'yon. Siya na rin po ang nag-alaga sa amin. Lahat po ng kailangan namin ay binibigay niya. Buti na lang po nandun siya nung bumagsak ako sa lupa sa gitna namg gubat. Tumira po kami sa bahay niya hanggang sa lumipas po ang mga taon."

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon