Chapter 72 ~ Bagong-buhay
Author's Note:
Maaring maguguluhan kayo kung sino kina Ice at Sia ang nagsasalita sa pagdaan ng ilang kabanata. Kaya gumawa ako ng ilang patnubay para sa inyo.
Mom ang tawag ni Ice kay Mia.
Mommy naman ang tawag ni Sia kay Mia.Babala:
Basahin pong maigi para hindi tayo maguluhan at mas lalo nating maunawaan ang daloy ng istorya.Mia's POV:
"Tulog ka na Anak. May naghihintay na magandang balita bukas." Nakangiti kong sabi.
Napalayo siya sa akin at tinitigan ako sa mata na parang kinikilatis ako. Nasa kanila na talaga ang pagiging makilatis sa tao.
"What do you mean Mom?"
"It's a surprise kaya sleep na. Paano mo malalaman 'pag hindi ka pa natulog at hindi sasapit ang bukas?"
Hindi naman siya sumagot at nahiga. Ganun ba siya kaexcited na malaman ang sasabihin ko bukas? Intindihin na lang natin siya dahil bata 'yan.
Palaging curious sa mga bagay-bagay.
Tumayo kami ni Bane para makahiga siya ng maayos kahit na malawak ang kama niya. Bago kami lumabas ng kwarto niya, nagpaalam muna kami.
"Goodnight baby boy."
"Night buddy."
Si Bane na ang nag-off ng lampshade. Habang ako ay naghintay na lang sa kaniya sa labas ng pinto ni Ice. Siya na rin ang nagsarado sa pinto.
"Sa tingin mo, magkakatotoo ang panaginip niya?" Pabulong kong tanong sa kaniya.
"Isa ka pa. Panaginip lang 'yun. Naniniwala ka ba na nagkakatotoo ang mga panaginip natin?" Napaisip ako at napahinto sa paglalakad papunta sa kwarto ni Ice.
"Oo. Ang mga panaginip daw natin ay pwedeng magkatotoo. Tsaka hindi natin namamalayan na panaginip na pala natin ang nangyayari." Sagot ko matapos makapag-isip ng malalim.
"Kalokohan." Natatawang sagot niya na nagpailing sa akin. Ang nakasaad pa sa nabasa kong libro ni Ice, maaaring kapalaran mo sa hinaharap ang napaginipan mo pero malabo para sa iyo.
Kumbaga, hindi mo masyadong maalala.
Nauna na akong maglakad habang siya ay napatigil. Ewan ko kung ba't siya napatigil pero isa lang ang alam ko at iyon ay tungkol sa panaginip na pinagsasabi niya.
Sunod kong pinuntahan ang kwarto ni Sia. Night routine ko ang pagcheck sa kanila bago ako matulog.
"Hoy hintay! May pag-uusapan pa tayo."
"Tagal."
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Sia at nakita kong nakatalikod itong nakahiga pakanan mula sa kinatatayuan ko ngayon.
"Sia anak?" Tawag ko pero walang sagot.
Napabuntong hininga na lang ako at iniwang nakabukas ang lampshade niya. Hindi siya sanay na nakaoff ito dahil takot siya sa dilim.
I noticed it nung mga 3 years old siya. Araw ng mga patay iyon at ang mga bata ay nag-initiate na maglaro kami ng tagu-taguan with lights off.
Nagpumilit ang dalawa pero ayaw namin ni Bane dahil nga sa araw ng mga patay. Baka may madistorbo kaming kaluluwa na pagala-gala.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2