Chapter 88

20.7K 342 54
                                    

Author's Note:
Sa mga nagtatanong kung asan na ang kambal, Well, medyo hintay-hintay muna. Focus muna tayo sa buhay ni Mia. Yung mga unanswered questions sa Book 1. Thank You!


Mia's POV:

Kumain kami ng tahimik. Walang imikan at sa pagkain lamang nakatuon ang pansin namin. Ako lang yata ang gumagamit ng kutsara at tinidor dahil nagkakamay sila.

Alam ko rin namang magkamay sa pagkain pero hindi ko trip ngayon. Tsaka hindi ako masyadong sanay dahil nga laki ako sa Maynila.

Ako ang nagpresintang maghugas pero si Maria ang umako. Si Edward naman ang nag-igib ng tubig sa poso. Mag bitbit itong dalawang timba sa magkabilang kamay.

Hindi na lang ako umangal dahil si Aling Celia na ang nagsabi na bisita ako kaya sila na ang gagawa. Kahit na tumulong lang ako ay hindi nila pinalagpas.

"Umunaak jay tal-talon'en Baket!" (Una na ako sa Bukid.) Sabi ng asawa ni Aling Celia habang kumakaway palabas ng bahay. Napatingin naman ako kay Aling Celia at abala ito sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin.

"Nang! Nu malpas nak makainnaw ket ada papanak!" (Ma, 'pag natapos ako sa paghuhugas, may pupuntahan ako.) Sabi ni Maria sa ina.

"Papanam manen?" (San ka na naman pupunta?)Nakataas na kilay na tanong naman ni Aling Celia sa anak. Nakita kong napalunok si Maria bago dahan-dahang sinabi ang rason na sa totoo lang ay hindi ko pinaniniwalaan.

"Inayaban nak ni Jenny nga mapan kami agwalay." (Inimbitahan ako ni Jenny na gumala.) Nao-OP ako sa usapan ng mag-ina. Hindi ko naman kasi alam kung sino si Jenny.

"Sino ni Jenny?" (Sino si Jenny?) Bago ko pa mapigilan ang bibig ko ay nakasabat na ako sa usapan nila. Sabay na napatingin sa akin ang mag-ina pero kita ko pang napairap si Maria sa akin bago umiwas ng tingin.

Akala niya siguro ay hindi ko nakita ang pag-irap niya.

"Gayyem ni Maria ejy Nakkong. Apay dim pay malagil isunan? Kaay-ayam mo pay idi ejay nga ubing ket." (Kaibigan ni Maria iyon. Bakit, hindi mo na rin siya maalala? Kalaro mo dati 'yung batang yun 'e.

Wag mong sabihing si Jenny at si Ningning ay iisa?

Si Jenny o mas kilalang Ningning ay matalik kong kaibigan noon dito. Noong nga panahon yun ay siya ang pinaka-kaclose ko at hindi pa uso ang pangalan niyang Jenny noon. Dahil na rin siguro sa nagdalaga na kami kaya ayaw na niyang tinatawag siyang Ningning.

"Ahh! Malagip ko isunan Anti. Nabayag met nga diak nga nakita isunan!" (Ahh! Naaalala ko na siya Tita! Matagal na rin nung huling makita ko siya.) Nagagalak kong sambit.

"Maria! Paumayem lang jy gayyem mo ditoyen na makita na met ni Sandrang." (Maria! Papuntahin mo na lang ang kaibigan mo dito para naman makita niya si Sandrang.) Sabi ni Aling Celia.

Nakita ko pang napairap muna si Maria sa kaniyang ina bago inilabas ang kaniyang cellphone na de-keypad. Base sa tatak, mukhang Nokia ito. Yung mga sinaunang cellphone.

Mayroong tape ang na nakapalibot sa cellphone nito sa gilid. Nakita ko ring nabubura na ang letters at numbers sa pipindutan nito. Mukhang matagal na niya itong ginagamit dahil talagang lumang-luma na.

Napatingin naman sa akin si Maria at nakita niyang nakatitig ako sa kaniyang cellphone. Napapahiya niya naman itong itinago sa likod niya at walang sabi-sabing naglakad palabas ng bahay.

Ipinagpatuloy ni Aling Celia ang ginagawa. Nagwalis muna siya ng buong bahay bago siya umalis. Nag-iwan pa nga siya ng pangmeryenda ko na singkwenta pesos. Talagang napakabait na tao.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon