Mia's POV:
Kararating lang namin ngayon sa Mall. Pinagtitinginan kami ng bawat tao dahil sa suot namin. Nagbubulungan sila pero rinig na rinig naman namin.
"Ano ba yang suot nila?"
"Feeling ko ang cute ng mga bata?"
"Twins yata teh?"
"Maganda rin naman ang Nanay nila eh!"
Ilan lamang yan sa mga naririnig ko. Hindi ko naman pinapansin at nagpapatuloy sa paglalakad habang nakayuko. Ang twins naman ay namamangha sa kanilang paligid at patingin-tingin sa mga bagay.
"Mommy! Mall talaga ang tawag nila dito?"
"Oo anak. Maganda ba?"
"Yeah. Ang daming tao!"
Una naming pinuntahan ang Timezone para naman makapaglaro sila. Dali-dali naman akong hinila ng mga bata ng makita nila ang pupuntahan namin.
"Woah! It's so cool here Mom!"
"I want to try all of it Mommy!"
Si Ice ay agad na nagtungo sa basketball area na para sa mga bata. Agad naman kaming sumunod sa kaniya at nagsimula na siyang maglaro.
Sa unang shoot niya ng bola ay sablay siya. Nakita ko kung paano madismaya ang anak ko. May basketball din naman siyang laruan sa kwarto niya kaya lang hindi masyadong malaki.
Nagfocus naman siya sa pagtira at sa ikalawang pagkakataon ay na-ishoot niya. Nakuha na niya kasi ang loob niya sa paglalaro kaya ayan! Si Sia naman ay gusto ring maglaro ng basketball kaya naman pinayagan ko na.
Ngayon ay parang may laban sila sa pagshoshoot ng bola. Nakaagaw na rin kami ng atensyon at hindi ko maiwasang mailang sa mga matang nasa amin.
"Tignan mo oh!"
"Hihihi! Twins yan!"
"Ang cute cute naman! Sana ganyan din balang-araw ang magiging anak ko!"
Hindi naman sila napapansin ng dalawa at patuloy na naglalaro. Todo ang focus nila kaya hindi nila namamalayan na nakakailang laro na sila. Unang umayaw si Sia at sunod si Ice. Mas mataas ang score ni Ice kaysa kay Sia. Nakakashoot rin naman siya pero mas marami siyang sablay.
Nagmadali ko namang ini-open ang dala kong bag para kumuha ng towel. Pinunasan ko ang pawis nila sa noo at pati na rin sa leeg. Wala akong tinirang kahit na anong pawis. Nilagyan ko na rin sila ng isa pang towel sa likod.
"Mommy nagugutom na ako."
Napatingin naman ako ngayon kay Sia na gutom na. Tingnan ko naman ang wall clock na nakasabit ngayon dito sa dingding at 10:30 am na pala. Mukhang natagalan sila sa paglalaro ng basketball.
"Gusto mo bang kainin yung baon natin o bibili tayo ng iba?" Tanong ko sa kaniya. Mas mabuti kung papipilian ko siya para naman hindi pinipilit ang bata na kainin ang baon namin.
"No. Bibili po tayo ng iba."
Napabuntong-hininga naman ako at tumango. Napangiti siya kaya naman naglakad kami ng hawak-kamay. Sa kanang kamay ko ay si Ice at sa kaliwa naman ay si Sia na ngiting-ngiti ngayon.
Hindi ko alam kung saan kami kakain ng mga anak ko. Pero sa huli,napagdesisyonan namin na sa Jollibee na lang dahil dun ang pangbata na kainan. Nakita rin pala nila si Jollibee sa labas at nag-aabot ng flyer.
Ang inorder ko na lang sa kanila ay yung may fried chicken at large na fries. Hindi pa naman tanghalian kaya meryenda na muna. Tsaka tinanong ko sila kanina kung gusto nila magrice pero ayaw nila eh!
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2