4 years later...
Ilang taon na ang nakakalipas. Maraming nagbago. Pero anu-ano na nga bang nangyayari ngayon sa buhay namin?
Napatingin ako sa binti ko nang maramdaman kong may malilit na kamay na pumulupot dito. Humagikhik pa ito na nagpangiti sa akin.
"Ryle! Daddy is coming!" Sigaw ni Bryle. Pababa ito ng hagdan habang bitbit sa kanang kamay ang Ipad at sa kaliwa naman ang suklay.
"Mommy! Help me!" Nagpapacute na saad ng anak ko. Hinila-hila pa nito ang laylayan ng suot kong dress. Inabot ko ang isang kamay nito at pinatayo. Bawal kasi sa akin ang yumuko dahil maiipit ang pang-apat naming anak ni Bryle na nasa sinapupunan ko pa.
Ang bilis naming magpadami 'no?
"Here! Comb your hair alone little man!" Saad ni Bryle nang makalapit ito sa amin at iniabot kay Ryle ang suklay. Nasa sala kami ngayon at may dadaluhan na maituturing na achievement para sa aming pamilya.
"You are big enough na Anak! Ayaw mo bang maging si Kuya Ice na bigboy na?" Napanguso ito.
Wala yatang balak si Ryle na abutin ang suklay kaya ako na ang kumuha. Alam kong nangangawit na ang kamay 'nun. Walang sali-salitang naglakad palabas si Bryle dala ang Ipad. Marahil ihahada ang kotse.
Ako na rin ang nagsuklay sa kaniya. Dahan-dahan.
Si Ryle. Ang ikatlong anak namin ni Bryle. Nasa apat na taong gulang na ito. Itinuturing siyang pinakakulit at pinakabibo na malayong-malayo kina Ice at Sia noong nasa 4 na gulang pa lang sila.
Hindi ko nga alam kung kanino nagmana 'e!
"I don't want to be like him! Napakasungit niya Mommy! And Ate Sia too! Parang hindi babae!" Walang pakundangan niyang maktol. Hindi ko nasabi na nagmana rin sa tatay niyang ubod ng talino.
"I heard that!" Sigaw ni Sia na pababa rin ng hagdan.
Bihis na bihis at napakaganda sa suot nito. May nakasabit na DSLR sa leeg at inaayos ang pagkakasabit.
"Where's your Kuya?" Tanong ko.
"In his room at nagpapagwapo sa harap ng salamin Mommy." Kibit-balikat na sagot niya at linagpasan ako. Sununod ito sa kakalabas pa lang na Ama.
Napahagikhik kami ni Ryle. Siya parati ang kasangga ko sa mga kalokohan ko. Kumbaga, partners in crime kami habang magkakampi naman ang tatlo. Ang unfair nga 'e!
Two versus three! Daya naman! Sana kakampi namin si Baby. Gusto ko sanang magkababy girl ulet! Nakakamiss ding mag-alaga ng Baby Girl.
"Many girls are courting him!" Natatawang saad ni Ryle. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniya.
"Totoo ba ang sinasabi mo Ryle? Tsaka saan mo natutunan 'yan ha? Baka ikaw ang may nililigawan na?" Pinaningkitan ko siya ng mata at tinaasan ng isang kilay.
"I'm still finding her! Gusto ko po ng kagaya ninyo Mommy!"
Natapos ako sa pagsusuklay sa kaniya at bagay na bagay sa kaniya ang ginawa kong style. Gwapong-gwapo tulad ng Tatay niya. Wag niyo nang tanungin kung sino ang kamukha. Maiirita lang ako!
"Ice anak! Get down here! Malalate na tayo!" Sigaw ko. Dumungaw pa ako sa hagdan at nakita kong pababa na siya. Tulad ni Sia, bihis na bihis rin siya.
"Mom can I use your phone for a second?" Agad na tanong niya sakin pagkababa niya. Napakunot ang noo ko.
"Bakit? You has a phone naman ah?"
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2