Chapter 97

19.8K 426 129
                                    

Mia's POV:

"Relax. What if we talk first about us then pag-uusapan natin ang mga anak natin." Seryoso niyang sabi.

"Sabihin mo kung nasaan ang mga anak ko."

"Kung 'yan ang gusto mo, fine! Hindi mo malalaman kung nasaan sila kapag hindi tayo nag-uusap." Seryosong pahayag nito at tuluy-tuloy na lumabas ng pinto.

Ha! Ang lakas ng loob niya!

May pangblackmail lang naman siya. Bwisit!

Lumabas na rin ako at pinatay ang ilaw. Isinara ko ang pinto at sumunod sa kaniya. Medyo malayo-malayo na siya sa akin kaya tumakbo ako para lang magkapantay kami. Tinignan ko siya.

Seryoso pa rin ang mukha niya at diretsong nakatingin sa daan. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Tumingin na rin ako sa harap at nag-iisip ng malalim.

Hindi ko namalayan na nasa loob na kami ng mansyon. Sinalubong kami ng mga katulong.

"Handa na po ang makakain niyo Señorito."

"Narito na po ang iyong pinapakuhang tubig Señorita." Inabot ko agad ang tubig mula sa isang katulong at nilagok iyon ng tuluy-tuloy. Tila ako uhaw na uhaw.

Sinundan ko ng tingin si Bryle nang maglakad ito papunta sa kusina habang umiinom ng tubig. Naglakad na rin ako papunta sa kusina para sabihin sa kaniya ang desisyon ko.

Nasa kusina na kami pareho. Umupo agad siya sa isang silya na nakalaan para sa kaniya. Wala ako sa mood na kumain at nais ko nang malaman kung nasaaan ang kambal.

"Bryle--." Naputol ang sasabihin ko ng inunahan na niya ako sa pagsasalita. Nakahalukipkip na siya at nagsisimulang pagsandukin siya ng pagkain ng mga katulong.

"Later. Let's eat first." Sabi nito habang dahan-dahang tumingin sa akin. Napabuntong-hininga ako. Wala akong magagawa sa ngayon kung hindi maging sunud-sunuran sa lahat ng kagustuhan niya.

Umupo na rin ako. Malayo sa kaniya. Dahil doon, napatingin siya sa akin at binigyan ng matalim na tingin. Napakunot ang noo ko.

"Sit beside me." Utos niya. Nag-aalinlangan pa kong sundin ito pero sa huli, sinunod ko rin. Sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya. Naaalala kong para sa kambal pala ang ginagawa kong ito.

"After we eat, we will talk first about us. Is that clear?" Kakaupo ko lang sa tabi niya ng magsalita siya. Tumango ako. Kahit na wala akong gana, kumain pa rin ako para wala siyang masabi.

~~~

Nasa kwarto ako ni Bryle. Pinauna na niya akong pumunta rito dahil may kukunin lang siya sa kotse niya. Para malibang ang sarili, tumingjn-tingin ako sa paligid. Ibinaba ko ang temperatura ng aircon dahil nalalamigan ako.

Akma akong magsasalita nang makapasok siya dito sa loob ng kwarto niya pero inunahan na niya ako. "Save your questions later." Wala akong nagawa kundi pagbigyan ito.

"Pirmahan mo 'to." Inilahad nito sa ang isang papel. Isa lang ang kopya. Napakunot ang noo ko at binasa ang nakasulat. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

It is a contract between me and Bryle. Nakasaad dito ang pagtira ko ulit sa bahay namin ng isang taon bago makita ang kambal. Pagkatapos ng isang taon, mananatili kaming kasal sa isa't isa. Kapag sumuko ako nang hindi pa umaabot sa isang taon, hinding-hindi ko na ulit makikita ang mga anak ko.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon