WELCOME IN THIS STORY!
This book is a work of Fiction.
Name, Characters, places, and incidents are products of the author's imagination and used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, person's, living or Dead is entirely coincidental.WARNING ⚠️
The story contains Typo graphical errors, wrong spelling and grammatical errors.
Read at your own risk.
SALAMAT ! SUPPORT Please.
May mga nabago at nadagdag na po.
Usok ng mga segarilyo. Amoy ng alak at ingay ng taong nag sasayaw sa gitna ng patay sinding ilaw kasabay ng malakas na tugtog na magpapabaliw sa mga tao, ang unang sumalubong sa mag kaibigan na Avery at Alise sa loob ng isang sikat na bar na napuntahan nila para sa isang gabi.
Hindi naman mapakali si Avery sa lugar kung saan siya hinatak ng kaibigan para sa Birthday nito. Mga taong nag haharotan not that nag haharotan lang, halos doon sila mismo gumawa ng milagro. Mga nag iinuman at naninigarilyo ang nakikita niya, hindi siya komportable. Iyon pa lang ang una niyang tapak sa lugar na ganun dahil sa higpit ng kanyang mga magulang, kahit pa nasa tamang edad na ang dalagita.
Binigyan ng alak ni Elise si Avery. Gusto sana nitong tumanggi pa sa dalaga pero ipinagpilitan nito na pagbigyan siya. "kahit ngayon lang ay maging masaya ka." kaya walang nagawa si Avery kundi ang tanggapin ang inaalok nito.
Hindi man sanay ay nagawa niyang makipag sabayan sa kaibigan n'ya. Kahit ngayon lamang ay makalimotan niya na hawak siya sa leeg ng Mom at Dad niya, na tinuturing siya nitong bata na wala pang alam.
Nagka ayaan ang mag kaibigan na magsayaw at makisiksik sa alon ng mga tao sa gitna ng Dancefloor dahil sa musikang magpapaindak sa mga naroroon, nag sayaw sila na parang sila lang ang tao hanggang napagod sila.
Bumalik din naman uli sila sa mesa nila at duon nag simula nanamang mag inom at magpakasaya hanggang naramdaman na ni Avery ang pagkahilo at painog ng kanyang paligid.
Kaya na pagpasyahan nitong ayain ng umuwi ang kaibigan. Ngunit hindi siya nito narinig dahil nag lakad na muli ang kaibigan niya patungong dancefloor kasama ang isang lalaki, kaya napa upo na lang s'ya.
Napasandal na s'ya sa upuan dahil nahihilo na talaga s'ya at nanghihina. May isang lalaki ang lumapit sa kanya at nakatitig lang ito, ngunit hindi na nito pinag tuonan ng pansin dala ng hilong-hilo na s'ya.
* * * * * *
Subrang ingay ng paligid pero parang wala lang sa magkakaibigang Luke, Ryan, Niko at Marcus dahil nakasanayan na nila ang ganitong lugar. Madalas silang dito napupunta ano mang problema at kasiyahan ang meron sila.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Mistake
General Fiction[un-EDITED] A woman who grew up in a whole and rich family, she is happy even if her parents control whatever she does, the important thing is that they are happy. Pero isang pag kakamali ang magbabago sa buhay niya. Hindi niya maisip na kaya siyang...