Chapter 27 ♥️

6.9K 215 21
                                    

Hello reader, Kung binabasa mo ito gusto ko sana na i VOTE mo ang bawat chapter na nagustohan mo salamat.

— AVERY's P O V —

Di na nga naka pasok si sir Luke, sino ba naman makaka pasok sa lagay niya  na iyon kagabi hindi ba?

Wala naman kaming madaming ginawa kaya hindi ako napagod, sabay sabay kami ng kumain ng Lunch at nag usap usap sila tungkol kay Sir at kung bakit daw ito absent samantalang di daw ito na absent ng walang dahilan.

Napapailing nalang ako at gusto ko sana sabihin na Nagpakalasing kasi dahil kay Megan kaya ayon dina naka pasok, kaso baka anong isipin ng mga to kung bakit ko alam, saka isapa wala silang alam na may anak kami at lalong wala silang alam na sabahay niya kami nakatira.

Nag pasundo ako kay Mang Berto nang mag uwian, sakto namang pag labas ko ng Building kakarating niya lang kaya umalis agad kami.

Pagkarating ko sabahay hinanap ko ang mga bata kaso sabi ni Tita tulog daw, kasama si Luke.

Wow, kasama si Luke bulong ng isip ko.

So ayon umakyat ako at sinilip muna sila bago ako nagbihis. Dahil tulog na tulog pa sila kahit 4 na eh, bumaba ako para tulongang mag luto si Manang berta, pinigilan pa nila ako, ni Tita pero wala silang magawa kasi gusto ko eh, saka ganun naman minsan ginagawa ko sa Cebu lalo na pag dikami kila Nay kumakain.

Bago kami matapos dumating naman si Tito William galing work di kami nag kita sa Buliding kasi busy naman siya lalo na di pumasok si Luke.

Umakyat uli ako para magpahinga, pag silip ko sa kwarto ng mga anak ko gising na silang tatlo at nag uusap usap na saksihan ko kong paano tumawa si Luke, tawa na nakaka Inlove... Pero Hindi yon ang pinag tuonan ko ng pansin kundi kung paano siya mag paliwanag sa mga anak niya at kung paano niya yakapin ang mga ito, napa ngiti ako sa iksina nila, sinara ko ng dahan dahan ang pinto bago pumasok sa silid ko.

Ilang minuto din akong nakahiga ng maisipan ko nang bumaba, pababa nako ng hagdan na mamataan ko si Luke napatingin siya sakin pero umiwas ito ng tingin sa ka binilisan ang paglalakad pa punta sa Dinning area.

"Anyare don?" takang tanong ko sa sarili ko. Umiiwas ba yun?

Pag pasuk ko sa Dinning sakto kasi kakain na.

"Mommy !"

Talagang bumaba pa sa upoan ang dalawa at sinalubong ako ng yakap hinila hila pa nila ang damit ko para ibaba ko ang mukha ko ng mahalikan nila, ganun kasi nakagawian nila.

"Mommy Lets eat na po"

Umopo naman ako sa tabi ni Luke, dun kasi ang pwesto ko na kaharap namin ang mga anak namin magkabilang dulo si Tita at Tito sila Mang Berta ay dina muna sumabay.

Tahimik lang akong kumakain kahit maingay ang lahat.

Ang katabi ko namang si Luke minsan nakikisali din sa kwentohan nang mag lolola.

Matapos naming kumain naunang umalis si Luke. Sinundan ko lang ito ng tingin. Ang weird niya ngayon ah.

Nasa Living room kami nila Tita, Tito at dalawang bata.

"Asan si Luke?" Tanong ni Tito.

"Baka nasa kwarto niya, umalis din kasi agad pag katapos niya kumain eh" Sagot naman ni tita.

"May pag uusapan kami. Blake Apo, can you call your Dad nasa kwarto niya ata" Utos ni tito sa anak ko.

Tumayo naman kaagad ito. "Okay po, pero lolo ayaw po ni Daddy na papasok kami sa Room niya" Sumimangot pa ito.

My Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon