A/N : Kung na gustohan mo ito, please Follow me and VOTE.
- AVERY's P O V -
Maaga akong na gising, nakasanayan ko na kasi ito araw-araw kahit pa anong oras na ako nakaka tulog. Hinalikan ko ang tulog na tulog ko pang mga anak.
Bumaba ako dahil mag luluto ako ng Breakfast namin pero na abotan ko sa kusina si Manang Berta, nakilala ko po siya kahapon.
"Oh, Ma'am Avery ang aga niyo pong nagising magluluto palamang ako ng agahan niyong tatlo"
So di niya alam na naandito ang senyorito niya? Sabagay ako lang pala nakaka alam dahil mga tulog na sila kagabi, at ang alam niya eh nasa Condo ito.
"Manang naman, Avery na nga lang po sabi ko hindi niyo naman ako kailangan tawaging Ma'am.. Saka maaga po talaga akong nagigising, nasanay na po"
Binuksan ko ang Refregirator kung anong pwede lutuin.
"Ganun ba? ay Okay. Anong hinahanap mo jan?" Nilingon ko naman siya.
"Kung ano po pwede nating lutuin pang breakfast"
"Ako na mag luluto Avery, gawain ko naman to"
"Manang, di niyo naman kailangan gawin lagi to, ako na po mag luluto. Jan nalang po kayo" Inalalayan ko siyang maupo.
Simpling Breakfast lang ginawa ko, Egg, Friedrice and Bacon lang naman. Nang matapos ako tinulongan ako ni Manang ayosin iyon sa Dinning erea.
"Bakit ang dami naman ata nito para sainyo, saka bakit subra ng plato?" usisa ni manang habang nilalapag niya ang plato.
"You will Join us Manang"
"Eh, bakit subra parin?" nilapag niya ang huling plato.
"Kasi manang andito si L-"
"Manang Berta!" Yun sakto namang pasok ni Luke sa Dinning, ki aga nag sisigaw.
"Senyorito?" may pagtataka sa tanong ni Manang.
"Good Morning Luke"
Bati ko sakanya.Tumingin lang siya sakin tas binalik niya ulit ang atinsyon niya kay manang.
"Manang Kape nga po, Sakit ng ulo ko"
Hinila niya ang upoan sa harap niya saka siya na upo at pumikit habang minamasahe ang ulo niya.Tsk. Yan napapala ng pag lalasing. Kala mo naman pag uminum siya makakalimotan niya yung babae na iyon.
Lihim naman akong pangiti sa ayos niya, ahmf. Ang gwapo niya pala lalo pag bagong gising yung tipong gulo gulo pa ang buhok at naka pang bahay, ako pa ang pumili nun at nag suot sakanya. Hehe
"Ito na senyorito, ang kape niyo" Nilapag nito ang kape.
"Salamat" Tipid na sagot nito, saka uminom ng kape niya kami naman nanatiling nakatayo.
"Luke, ikaw na bata ka akala ko dun ka sa condo mo tutuloy? Bakit nandito ka?" Pag tatanong ni Manang, nakita ko naman na medyo nagulat si Luke.
"Di niyo alam?" umiling si Manang saka ito tumingin saakin.
Napatingin naman si Luke sa sarili niya. "So, sino nag palit sakin kagabi? Manang hindi ikaw yun? Sinong nakapasok ng kwarto ko manang !?" Napatayo na ito at mukhang nagalit. Napayuko ako sa tabi ni manang at medyo umatras para makatago.
"Yan ang diko alam ijo. Anong oras kaba naka uwi? Tulog na ata kasi ako non" Inis itong tumalikod saamin saka naglakad pabalik sa taas.
Siya na nga tinulongan may gana pang gumanyan.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Mistake
General Fiction[un-EDITED] A woman who grew up in a whole and rich family, she is happy even if her parents control whatever she does, the important thing is that they are happy. Pero isang pag kakamali ang magbabago sa buhay niya. Hindi niya maisip na kaya siyang...