Chapter 50

9.6K 206 143
                                    

Sorry matagal akong nawala dito.

At salamat sa mga Followers ko dahil umabot na tayo ng 1K . Keep on Following me.

Sa mga readers ko na dipa nakapag Follow jan beke nemen. 😁

At para narin matanggap n'yo ang Update ko mas maganda seguro kung i ADD ito sa inyong LIBRARY o kaya'y sainyong READING LIST, maaari mo din akong i FOLLOW o VOTES ang story bilang suporta. Thank you so much. ☺

Take care and God blessed.

Ang inyong manunuulat,
Heaven_Writes

➖➖➖➖➖➖➖  ➖➖➖➖➖➖➖

AVERY’s POV

Kahit pa nanginginig ako sa takot ay pinulot kung muli ang box at nag mamadali ko itong inilagay sa basurahan.

Pumasok ako sa bahay at napaupo nalang ako sa likod nito matapos kong mailock ng maayos.

Anong ibig ipahiwatig ng nagpadala ng bagay na iyon? May masama bang mangyayari?

May pag mamadali akong tumayo at tumungo sa aming silid para kuhanin ang aking cellphone nang pumasok sa isip ko ang imahe ni Luke, kailangan kong masigurado na ligtas siya.

Mas kinabahan ako nang hindi niya sinasagot ang tawag ko. Naka ilang tawag narin ako ngunit ganun parin nanatiling nag ri–ring lang ang kanyang cellphone.

C’mon Luke pick up your phone! I really need to know you’re okay and safe.”

Inulit kong muli ang tawag. But nothing happened, he didn't pick up his phone. Subrang kaba itong nararamdaman ko lalo na't hindi man lang sinasagot ni Luke ang tawag ko. Nilapag ko sa kama ang aking cellphone  at nanlulumong napa upo sa gilid ng aming kama.

Pinakawalan ko ang malalim na paghinga habang nakatitig sa phone. “Ano bang pakay nang tao na’yon? Hindi n’ya naman siguro sasaktan ang taong mahal ko.”

Dinampot ko ang cellphone saka nagtepa ng mensahe para kay Luke.

To: Luke (Daddy)

Luke, Are you busy? You're not answering my calls. I'm worried. Please call me back if you read this.

Kagat labi kung tinitigan ang cellphone at ang mensaheng pinadala ko. Kalahating oras na akong nag aabang ngunit wala paring tawag, mula sakanya. Dahil sa labis kung pag aalala hinanap ko sa phonebook ang numero ni Ryan, ang matalik nitong kaibigan baka sakaling kasama nito si Luke.

Ryan Jones  Dialing...

Kinakabahan ako habang nag ri–ring ang Cellphone nito.

Nahugot ko ang hininga ko ng sagotin nito ang tawag. “Hello, Avery napatawag ka?” may pag tatakang tanong nito.

Hi. Ryan mag tatanong lang kasi ako. Kasama mo ba si Luke? O kahit nakita man lang?” kinakabahan ako sa isasagot niya sakin.

Si Luke? Hindi e, bakit umalis na ba siya diyan? Wala pa naman kasi siya dito sa meeting place namin.”

Lalong rumagasa ang kaba sa dibdib ko, dahil sa sagot ni Ryan saakin. Kung ganun nasaan siya?

“Oo kanina pang umaga siya umalis dito sa bahay. Tinatawagan ko kasi ang cellphone niya pero panay lang ang ring, hindi niya sinasagot. Kinakabahan ako Ryan, kasi hindi naman ganun ang kaibigan mo, busy man o hindi daglian naman niyang sinasagot ang tawag ko,” naiiyak kong sabi dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon