Chapter 23 ♥️

7.6K 216 15
                                    

A/N: Pag may mga maling grammar po kayong na Incounter, handa po akong itama niyo ano mang mali.

Please don't forget to VOTE, COMMENT and FOLLOW me.

AVERY's P O V

Nasa labas na kami ng bahay nag aantay kay Luke. Sabi niya kasi kukunin niya kami dito papunta sa kung saan naka lapag ang Chopper nila.

Oo chopper nila, sakanila pala yung tatlong chopper na nag hatid sakanila pag punta dito. Yaman talaga nila halos di niya pa ata nararanasan mag hirap, I mean kumain ng kinakain ng mahihirap.

Ang dalawa kong anak subrang saya dahil makaka sakay na daw sila sa Helicopter o chopper. Akala daw nila hanggang tingin na lang sila sa ganun pero pag laki daw nila sasakay sila dun eh dahil ngayon palang makakasakay na sila kaya ayan masaya sila.

Beeepp !! Beeepp !!

"Mommy si Daddy anjan na po!" sino pa nga ba sa tingin niyo yung anak kong pinag lihi ko ata sa Megaphone.

"Okay, Go punta na, sakay na kayo." utos ko sa dalawa. Sinundo kami dito ng isa sa Van ng Hotel kasama si Luke.

Nag sitakbo naman ang kambal papasuk. Ako naman hinila ang malita para ilagay sa loob, bumaba naman si Luke para tulongan ako. Siya na nga kumoha ng lahat at ipinasok sa loob ng sasakyan.

Pina andar naman na ni kuya Driver ang Van pag ka sakay naming lahat sa loob. Mag kakatabi kaming apat, napapagitnaan namin ni Luke ang dalawang bata na kina kausap lang naman siya tungkol sa pag sasakay nila sa Chopper, ako? Medyo ilang ako sakanya syempre di naman kami ganun ka close nito saka Boss ko siya, kaya lang naman kami nalalapit sa isa't isa dahil sa mga bata.

Pag dating nga namin sa helipad dalawang Chopper ang andon.

Baka hiwa-hiwalay kami. O baka naman ako lang ihihilay ng mukong nato.

"Omy, Dad it so Big po" Palatak agad ni Blaze pag dating namin.

"So It's True, I'm not just Dreaming Dad" Manghang-mangha naman si Blake na nakatingin sa Sasakyan namin. Tila isang panaginip lang ang makasakay siya saganito.

"Babana kayo jan Kids" Sabi ni Luke habang ibinababa nila ang gamit.

Na una akong bumaba sa dalawa, kaya kinarga ko nalang pababa ang mga anak ko dahil naka upo at naka tingin parin sa chopper.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Luke dahil sa itsura ng mga anak niya.

"Nga pala Luke, Bakit dalawa?" tanong ko na lamang sakanya habang hawak ko ang bag ko at kamay ni Blake at Blaze sa isang kamay ko.

"Hindi kasi tayo kasya sa isa lang kung ganito." Tiningnan niya ang mga gamit. "Madaming gamit kaya dalawa yan, sa isa ko ilalagay lahat ng gamit para tayong apat ang sakay sa isa."

Tumango ako sakanya dahil nag lakad na ito dala ang isang malita para ilagay sa Chopper. Yung ibang gamit dinala na ng mga lalaki sa loob nun, pag balik ni Luke kinuha niya sa kamay ko si Blaze kaya si Blake nalang din ang kasama kong nag lakad na kasunod ni Luke.

Isinakay niya si Blaze, bago binuhat din si Blake para maiakyat paloob ng Chopper. Ako nananatiling naka tayo sa may likoran niya. Aakyat narin sana siya pero nahinto, akala ko may naiwan pa siya pero saakin siya nakatingin.

Nagtaka ako. "Bakit?" Tanong ko.

"Mauna kana" aniya at umatras siya. Kala ko naman kung dina ako isasama, talagang kukunin ko sa loob ang mga bata pag nagkataon.

My Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon