A/N: Sorry sa mga Typos ko. 😂
Guys please continue commenting a good comment to encourage and to keep me writing.
VOTE again?
- AVERY's P O V -
Maaga akong nagising dahil sa bigat ng bagay na nakadantay sa paa at tiyan ko, imposible naman kasing mga anak ko ito kasi hindi ganun ka bigat sila dumantay saakin.
Pag mulat ng mata ko bumongad sakin ang mukha ni Luke nakayakap ito at himbing pa ang tulog subrang lapit ng mukha namin kaya umagang umaga nagririgudon agad ang puso ko.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay at mga paa niya nakadantay sakin, ingat na ingat ako dahil baka magising nag tagumpay naman ako kaya lumabas na ako sa kwarto niya dahil 4 am palang naman kaya tumuloy ako sa kwarto ng kambal para dun ulit mahiga.
Nagising uli ako dahil sa liwanag pero wala na sa tabi ko ang dalawa kong anak. Napagpasyahan kung bumangon na at pumasok sa kwartong inu ukopa ko ng makaligo na ako dahil kumakalam na ang sekmura ko sa gutom naalala ko diko nga pala natapos kinakain ko kagabi.
Habang naliligo ko naalala ko si Luke, anong meron at napapakalma ko siya? Bakit ako lang ang tanging nakalapit sakanya? May epekto na kaya ako sakanya? Ugh! Napailing ako sa iniisio ko pero sana nga ganun.
Bumaba ako matapos kung maligo at makapag ayos sa sarili ko, sa dinning ako tumuloy para maghanap ng makakain na abotan ko ang isang katulong na si Lea na nag huhugas.
"Morning" Bati ko sakanya.
Kaya napatingin siya sakin, at tumigil sa ginagawa. "Good Morning din Ma'am, kain na po kayo kasi ikaw nalang po hindi pa kumakain, tapos na po ang kambal at si Sir Luke kumain Sabay po silang tatlo." Sagot nito sakin ng naka ngiti.
Ngumiti din ako. "Bakit di nila ako ginising?" Bumagsak kunwari ang balikat ko.
Lumapit si Lea sakin. "Eh Ma'am ayaw po kasi kayo ipagising sa Kambal ni Sir Luke, hayaan kadaw muna matulog kasi ang sarap daw ng tulog niyo" Medyo pabulong nitong usal sakin na may kasamang kakaibang ngiti.
Sumaya bigla ang puso ko, kaya napapangiti ako. "Teka nga, asan pala sila?" Biglang tanong ko para maalis yung ngiti namin pareho.
Bumalik sa Sink si Lea bago sinagot ang tanong ko. "Baka nasa labas po, kailangan daw kasi ni Sir Luke ng Hangin mula sa labas dahil masakit ang ulo" tapos nag simula na ulit itong taposin ang pag huhugas, kaya tumalikod na ako. "Ay! Ma'am" bigla ulit itong nag salita.
Kaya napaharap ako sakany. "Oh, bakit?" Napahawak ako sa tiyan ko ng kumalam ito.
"Sasabihin ko lang po na kumain na kayo, natatakpan po pagkain niyo sa Mesa" Nag peace sign pa ito.
Naiiling ako tumalikod. "Oo kakain na talaga ako kasi kanina pa nag rereklamo ang tiyan ko sa gutom" Umopo ako sa pwesto ko saka nilantakan agad ang pagkain ko.
Ako na nag hugas ng pinag kainan ko, tapos hinanap ko ang mga anak ko salabas pero diko sila makita. "Saan naman kayang labas sila nag pupunta?" Pabulong bulong ako habang palinga-linga ng tingin sa paligid.
"Oh Hija, sino hinahanap mo? At nagkanda haba-haba na yang leeg mo." Biglang sulpot ni Mang Berto kaya napasimangot ako sa sibabi niya.
Namewang ako saka tumingin parin sa paligid. "Eh Mang Berto kasi hinahanap ko mga anak ko, sabi ni Lea nasa labas daw kasama si Luke pero kanina pa ako nag hahanap dito wala naman sila" Napakamot pa ako sa ulo, pinag luluko ata ako ni Lea masesermonan ko ang babae na yon.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Mistake
Ficção Geral[un-EDITED] A woman who grew up in a whole and rich family, she is happy even if her parents control whatever she does, the important thing is that they are happy. Pero isang pag kakamali ang magbabago sa buhay niya. Hindi niya maisip na kaya siyang...