A/N ; Malapit na po itong matapos, ilang Chapter na lang ang inyong aabangan.
Sana ang susunod kong Story ay inyong subaybayan rin at magustohan.
Salamat ! 😘
Please FOLLOW ~ VOTE and COMMENT 😊
— LUKE’s POV —
NAGISING ako dahil medyo nangangalay ang balikat ko. Pero nawala ang pagkangalay na iyon ng makita kong himbing ang tulog ng taong mahal ko sa bisig ko.Nakatulog pala kami matapos makaalis ang mga kaibigan namin, napagod siguro ang katawan namin sa kasiyahan kanina.
“Anong oras na ba?” Tanong sa aking sarili bago ko sulyapan ang nakasabit na relo sa dingding. “4pm na pala.”
May lakad pa kami ngayon. Ayaw ko mang gisingin itong himbing na tulog nitong pinaka mamahal ko pero kailangan, dahil ngayon namin ipapaalam sa mga magulang ang aming planong pag papakasal. Niyakap ko ito at hinalikan sa tuktok ng kanyang ulo.
Handa akong pakasalan ang babaing ito. Alam kong may mga taong magtataka na kaybilis naman nang aming planong ito at kung bakit mahal ko na agad siya, sa kabila ng nangyari sa relasyon namin ni Megan. Hindi ko rin maipaliwanag ngunit madali para saakin na makalimotan ang taong nanloko at nanakit saakin, dahil may isang Avery na nagparamdam saakin ng pag mamahal at importansya. Siguro nga tama sila na ikinulong lang ang sarili ko sa pag aakalang mahal ko pa si Megan dahil nasanay lamang ako na sakanya kahit na ang totoo ay matagal nang may ibang bumihag nitong puso ko.
Muling nabuhay ang pag mamahal na itinago ng puso ko para kay Avery na nakasama ko lamang ng isang gabi. Dahil sa isang gabi na iyon ay naging special na siya para saakin, natabonan lang ito dahil iba ang nakakapiling puso ko. Ngayon na nakakasama ko na siya napatunayan kong mahal ko siya at siya lang ang natatanging mamahalin ko hanggang kamatayan ko.
Naramdaman kong gumalaw na siya pero nananatiling yakap ko siya.
“Ahmmf.. Luke?”Aniya, nang tuloyan na itong magising.
“Hmmm” Sagot ko.
Hinawakan niya ang mga braso ko bago ako tiningala. “Aalis tayo hindi ba? Anong oras na?”
Pagkuwan ay pinakawalan ko na siya, kaya inayos na nito ang pagkaka upo sa tabi ko at nag inat–inat.
“Mag po 4:30 na Mi amore.” Sagot ko saka tumayo at nag inat ng kamay.
“WHAT!?” Gulat nitong tanong at bigla ring tumayo. Tiningnan ko naman ito pero na sa taas parin ang kamay ko.
“Bakit hindi mo naman ako ginising kaagad? Malilate tayo para sa Family Dinner natin.” Nakasalubong ang kilay nito habang naka tingin aaakin.
Ibinaba ko ang kamay ko at saka umakbay sakanya at inakay na paakyat. “Ang sarap po kasi ng tulog mo, alam ko kasing pagod ka dahil kanina kaya dina kita ginising kaagad. Saka dinaman yata sila magagalit if we’re late.”
Huminto ito sa pag lalakad nang nasa kalagitnaan na kami ng hagdan saka ako hinampas sa braso ko. “Pagod nga ako pero mas importante naman ang gagawin natin ngayon. Sinabihan ko pa sila na wag malilate tapos tayo pala itong late.” Sermon pa nito saakin.
Huminga ako ng malalim saka ngumiti dito. “Sorry na po. Tara na mag madali na lang tayo.”
“Ano pa nga ba? Ang mga bata asan pala sila?” Nagpatuloy na kami sa pag akyat. At ang tanong niya kung asan ang mga anak namin nasagot dahil nag sisigawan ang dalawa mula sa taas, nagkatinginan pa kami ni Avery.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Mistake
General Fiction[un-EDITED] A woman who grew up in a whole and rich family, she is happy even if her parents control whatever she does, the important thing is that they are happy. Pero isang pag kakamali ang magbabago sa buhay niya. Hindi niya maisip na kaya siyang...