A/N: Salamat sa iyo na nag babasa ngayon dito sa Chapter na ito, naway magustohan mo at maari morin bang bigyan ng isang Star Vote ang Chapter na ito? - Abby ♥️
- AVERY' s P O V -
Pag dating ko binayaran ko si Manong at saka ako pumasok sa Lugar na kung Saan naging dahilan ng pag kakaroon ng Blake at Blaze sa buhay ko.
Maingay at ma usok parin ang loob kagaya ng unang punta ko dito, pero hindi ko iyon pinansin iginala ko ang paningin ko sa loob para hanapin ang taong pakay ko kung kayat nandirito ako sa lugar na ayaw ko na sana pang balikan.
Namatan ko naman ang isang lalaki na halos humiga na sa Counter habang hinahawakan ng isang lalaki na sa tingin ko ay ang tumawag saakin basi sa suot nito.
Nilapitan ko naman agad ang pwesto nila.
"Luke?" Tawag ko sakanya, napatingin naman sakin ang lalaki.
"Kayo po ba yung tinawagan ko kanina? Kayo na ba ang sundo niya?" Pagtatanong nito habang inaalalayan parin si Luke.
"Yeah, ako nga ang tinawagan mo" Ini-angat ko ang ulo ni luke para matingnan ito, pulang pula na ang mukha nito at hindi narin ma intindihan ang sinasabi niya.
Paano ko naman kaya ito madadala sa kotse niya at saan niya kaya ipinark ?
Ibinaling ko ang aking tingin sa lalaki. "Mag kano ba ang bill niya dito?"
Tanong ko muna kay kuya na Bartender, malay natin dipa pala ito bayad.
At mukhang hindi pa nga, ibinigay naman niya saakin ang bill at talaga namang nanlaki ang mata ko Literal talaga.
8,700 Lang naman po ang bill niya, alak lang yan ah. Juskocolored.
"8,700? Really" Dipa ako makapaniwala.
"Siya daw po kasi mag babayad lahat ng iinumin nilang magkakaibigan, kaso ayon iniwanan narin siya ng mga kasama niya kanina pang 8, akala kasi nila uuwi narin si Sir"
Paano ko naman ito mababayaran eh, magkano lang pera ko eh 1,200.
Napahilot ako sa sintido ko kasabay ng pagpikit ko ng mata at pag pakawala ng malalim na hininga.
May wallet kaya itong dala? Tanong ko sa isip ko. Kaya walang pag dadalawang isip na kinapa ko ang bulsa niya dinaman siguro ako pag iisipan nitong kaharap ko siguro alam niya asawa ko ito.
Nang makapa ko ang wallet ay agad ko itong kinuha at talaga namang nahirapan pako kasi naka upo siya nahalos nadadaganan ng legs niya ang wallet sa bulsa. Nagmumukha tuloy na niyayakap ko siya sa style namin.
Buti nalang mayaman to at may cash parin sa wallet kahit papaano.
Ibinigay ko kay Kuya ang 9,000, na galing sa wallet nitong Brokenhearted na ito.
"Keep the change kuya, pero pwede patulong dalhin sa kotse itong lalaking na ito? Pasakit sa buhay ko eh."
"Salamat Ma'am, Sige po tulongan ko po kayo"
Inalalayayan namin si Luke, halos buhat na nga namin dahil dinamakalad sa kalasingan.
Pagkarating sa labas iginala ko ulit ang mata ko para makita ang kotse niya, at talaga naman na pahihirapan pa kami, nasa malayo kasi naka park ang kotse niya.
"Pambihira naman Luke! Pahihirapan mo pa talaga kami, ang layo ng pinarkingan mo ah. Jusko naman." Inis kong wika saka ko ito pinitik sa noo, makanganti man lang ng di niya nalalaman diba?
BINABASA MO ANG
My Beautiful Mistake
Fiksi Umum[un-EDITED] A woman who grew up in a whole and rich family, she is happy even if her parents control whatever she does, the important thing is that they are happy. Pero isang pag kakamali ang magbabago sa buhay niya. Hindi niya maisip na kaya siyang...