⭐️ VOTE ~ 💬 COMMENT or 📲FOLLOW
HAPPY READING!
— Avery's POV —
Kabuwana ko na ang bilis ng panahon, tila kailan lang nung itinakwil ako ng Mga magulang ko. Kahit ganito ang nangyari ay ipinagpapasalamat ko na lang sa Diyos dahil binigyan niya ako ng rason para hindi sumoko sa buhay.
Andito ako ngayon sa Mismong bahay nila Nanay Lita dahil sabi ko nga eh kabuwanan ko na Mahirap na daw baka mapa anak ako tapos malayo sila diko sila matawag o baka daw tulog sila at mapahamak pa daw kami ng mga anak ko, diko na tinutulan kasi tama naman sila mahirap na baka lumabas na ang mga baby ko ayaw ko silang mapahamak.
Sa mga lumipas na Buwan sila ang naging sandigan ko sila ang tumayong mga magulang ko, kahit namimiss ko at iniisip ko sila Mommy na inaalagaan kami ng anak ko ay isinasantabi ko na lang kasi alam kong nasaktan ko sila at aminado ako dun. Si Elise naman minsan lang kung dumalaw kasi busy siya sa pag aaral lalona't graduating siya pero dinaman yun pumapalya sa pagtawag at pangungumusta saakin yun nga lang dikopa rin sakanya pinapaalam na kambal ang ina anak niya, wala naman siyang pinag sasabihan tungkol sakin katulad ng pinangako niya na walang makaka alam hanggat diko sinasabi, sa nakalipas ng mga buwan ipinaalam din niya sakin na may nanliligaw nga daw sakanya at natutuwa naman ako sa kanya nung nakaraang buwan sinagot na niya ang masugid niyang man liligaw na si Ryan, diko pa naman siya nakita dirin niya alam na maykaibigan nga si Elise basta ayaw ko muna may maka alam kahit pa Boyfriend niya.
"Ate Avery ! Kakain na" sigaw ni Ian, andito kasi ako sa labas nag papahangin at naglalakad lakad dito sa bakuran.
Tudo alaga sakin si Ian kahit pa nag aaral siya, nakasanayan ko narin na lagi siyang kasama.
"Oo, ito na papasuk na" Naglakad nako papasuk.
"Maupo kana dito Anak" Habang hinihila ni nanay ang upoan ko, Anak na talaga ang tawag niya sakin sila ni Tay Greg tinuring nakong anak at si Ian naman tinutoring niya akong tunay na kapatid.
Masaya kaming kumakain, nung nakaraang araw andito sila Ate Meldrid kapatid ni Ian na matanda naging close ko din siya mababait kasi sila, yung dalawa niyang makukulit na anak ina anatay nilang lumabas ang baby ko para daw may kalaro na silang iba.
"Ate Avery si Nanay na jan, baka mapanu kapa eh" Suway sakin ni Ian dahil nagliligpit ako ng kinainan.
"Kaya ko pa naman" saka tinuloy ang pag ayos ng plato.
"Wag ng makulit Ate, akin na nga yan ako na lang dito.. Dun kana lang sa sala" Inagaw na nga niya ang plato at saka ako inalalayan paalis sa misa.
Wala na akong nagawa tumoloy nalng akk sa Sala kasi medyo nanakit ang likod ko saka mga paa kong namamanas, masyado kasing malaki ang tiyan ko at mabibigat ang baby ko.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Mistake
General Fiction[un-EDITED] A woman who grew up in a whole and rich family, she is happy even if her parents control whatever she does, the important thing is that they are happy. Pero isang pag kakamali ang magbabago sa buhay niya. Hindi niya maisip na kaya siyang...