Hello readers.
Salamat pala sa mga nag coComment ng maganda sa Story na ito.
* * * * * * * * * * * *
- LUKE' s P O V -
Nag mamadali akong umalis sa kubo sa diko maipaliwanag na dahilan dahil sa pagyakap ko kay Avery, para akong napaso sa ginawa ko.
Hindi na ako nakapag paalam sa mga anak ko basta umalis na lang ako bigla. Pagdating ko sa bahay nagpalit lang ako saka umalis pumonta ako sa tambayan namin ng mga kaibigan ko, pero wag kayo dinaman sa Bar kailangan ko lang makapag isip.
Mahal ko parin si Megan sakabila ng ginawa niya sakin, kahit pilitin ko ang sarili ko na magkalimot, mag move on sa nangyari pero hindi madali eh.
Nagiging Okay naman kami ng ina ng mga anak ko pero may pagkakataon na hindi ko maiwasan talaga na umiwas dahil iba ang nararamdaman ko sa tuwing nasa malipit ko lang siya at ayaw kong masaktan uli o makasakit.
Pero masaya naman ako sa tuwing maypagkakataon na lumalapit siya sakin, at masaya ako na may pag alala siya para sakin.
Mag gagabi na ako ng bumalik sa mansyon ngunit napaka tahimik ng bahay, saan kaya ang sila? Paakyat na ako sa hagdan ng may tumawag sakin nilingon ko iyon, nagmamadali si Manang Berta sa pag lapit sakin.
"Luke! Hijo" May pag alala sa mukha niya, bakit kaya?
Tumigil ako sa pag akyat. "Bakit po Nang?"
"Kasama mo ba ang mag iina mo? Asan sila?" Nagtaka ako at kinabahan sa sinabi ni Manang dahil hindi ko naman sila kasama.
Hindi kaya iniwanan nila ako? No, hindi maari.
"Hindi ko po sila kasama. Hindi pa ba sila bumabalik? Wala ba sila dito?" Lumapit na ako sakanya.
"Abay, Wala nga eh hindi sila kumain ng tanghalian dito, tinawagan ko naman na sa bahay nila Avery, wala daw dun. Imposeble namang lumabas kasi wala namang nakita ang gaurd kahit sasakyan eh anjan naman, hanapin natin sila naku mag gagabi na Luke" Nag papanic na si Manang sa pag aalala kahit ako kinakabahan na.
Saan naman kaya sila? Dikaya nasa kubo pa sila?
"Manang dito lang kayo hahanapin ko sila, tawagan mo ako pag nakabalik na sila ah"
Tumango si manang kaya nag mamadali akong nag lakad pa punta ng Kubo kasama si Mang Berto.
"Bakit naman kaya di sila umowi? Naku ang mag iina mo sana nandito lang sila" Nag aalala ding usal ni Mang Berto.
Kinakabahan din ako at nag aalala sa kanila, sa mag iinina ko. Mag iina ko kasi akin sila. akin lang, Hindi ko sila ipapa ubaya sa iba, ibig sabihin ng Sila? Ay Silang tatlo yun.
Nagmamdali kaming pumasok at biglang sumaya ang puso ko ng makita silang nandito lang at magkakayakap na natutulog sa Flipside Sofabed na pinasadya ko para dito.
"Andito lang pala ang mag iina mo Hijo, napasarap ang tulog nila" Naka ngiting usal ni Mang Berto habang pinag mamasdan ang tatlo.
"Hindi ba sila kumain? O nagutom man lang? Nalipasan na sila" Bulong ko. Na narinig naman ni Mang Berto dahil magkatabi kami.
"Naku mukhang hindi naman sila nalipasan Hijo, ito oh may baunan at bubig. Kumain naman ata sila, hindi hahayaan ni Avery na magutom ang mga anak niyo." Nilingon ko si Mang Berto itinaas pa nito ang baunan at lagayan ng tubig.
Napangiti uli ako, saka sila nilapitan at pinag masdan napaka swerte ko dahil kahit hindi namin kayo sinasadyang ma buo ay dumating kayo sa buhay namin ma swerte din ako kasi ang ganda ng Mommy niyo mga anak, hinahaplos ko ang ulo ng dalawa kong anak saka sila hinagkan sa noo.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Mistake
General Fiction[un-EDITED] A woman who grew up in a whole and rich family, she is happy even if her parents control whatever she does, the important thing is that they are happy. Pero isang pag kakamali ang magbabago sa buhay niya. Hindi niya maisip na kaya siyang...