Sa lahat po ng Readers ko , Maraming salamat sainyo. Sa bagong mga Followers sobrang thank you sainyo.
Kung hindi naman kita Follower pero reader kita, nag papasalamat ako sayo at sana makapag VOTE ka para naman ma Notifi. Ako na may iba akong readers dito sa MBM.
At kung FOLLOWER's , READER's, VOTER's at COMMENTOR's kita lubos akong masaya para doon.
KEEP SAFE EVERYONE !
➖➖➖➖
— AVERY’s POV —
Matapos ang aming Dinner ay masaya kaming naghiwa–hiwalay.
Tahimik kaming bumiyahe pa uwi sa aming bahay. Nakatulog na sa likod ang dalawang bata dala siguro ng pagod nila at past 10 narin kasi ng gabi.
“You can sleep My love. Gigisingin na lang kita pag nakarating na tayo at medyo malayo pa naman tayo.” Binalingan ko nang tingin si Luke. Nakatingin lang din naman siya sa daan, kaya tumango ako kahit dinaman siya sakin nakatingin.
Inihilig ko nalang ang ulo ko sa salamin ng kotse habang nakatanaw sa labas, mga ilaw sa poste at mga taong may kanya–kanyang ginagawa ang natatanaw ko. Nakaramdam ako ng pagka antok kaya hinayaan ko ang aking mga mata na pumikit.
Nagising na lang ako ng maramdaman kong tila mayhumahaplos sa aking pisngi kaya iminulat ko agad ang aking mga mata upang mabungaran ang nilalang na humahaplos saakin.
“Luke.” May ngiti sa labi kong saad. Nakangiti ba naman sa harap mo ang mala anghel na lalaki habang nawak ka niya sa pisngi.
Umayos ito ng upo, pero nanatili itong nakatitig saakin. “Ang sarap mong pag masdan habang tulog mi amore. Mas lalong nag uumapaw ang pag mamahal ko para sayo. Na tipong hindi ko maisip kung anong mangyayari sakin kapag nawala ka sa piling ko.” Tinaas nito ang kamay patungo sa mukha ko upang haplosin ako doon. “Mahal na mahal kita Avery. At napakasaya ko na pakakasalan mo ako sa kabila ng mga nangyari.”
Ngumuso ako, dahil sa sinabi niya pagkuwan ay humawak sa kamay niyang nananatili sa mukha ko. “ Hindi naman ako mawawala sayo eh. Isa pa hindi hadlang ang mga nangyari para hindi kita pakasalan. Mahal kita iyon lang ang isang dahilan para manatili sayo at pakasalan ko ang ama ng aking mga anak.”
Walang anong pasabi niya akong kinabig sa batok gamit ang kaninang kamay niya na sa pisngi ko lang upang mahagkan.
Hindi naman ganun katagal niya akong hinalikan. Nag maghiwalay kami lumingon agad ako sa Backseat upang tingnan kung nandoon pa ang mga anak namin.
“Nauna na silang pumasok sa loob.” Saad nito habang pababa ng sasakyan.
Wala na akong nagawa kundi ang buksan ang pinto para lumabas ng makapasok narin at mukhang kanina pa kami nakarating. Sakto pag sara ko ng pinto ay pagtapat niya sakin kumapit nalang ako sa braso niya. “Kaya ko naman lumabas po.” Pati–una kong sabi at alam kong pagbubuksan niya sana ako at aalalayan sa pag baba.
“I'm trying to be Gentleman here.” Sarkastikong saad nito, at may paghagod pa sa batok.
Natawa ako sa sinaad niya. Huminto ako at tiningala siya. “You don't need to try. You’re gentleman enough for me, the way you respect me and took care of us.”
BINABASA MO ANG
My Beautiful Mistake
General Fiction[un-EDITED] A woman who grew up in a whole and rich family, she is happy even if her parents control whatever she does, the important thing is that they are happy. Pero isang pag kakamali ang magbabago sa buhay niya. Hindi niya maisip na kaya siyang...