Kung ikaw ay bago sa Story ko at dika pa nakakapag Follow sa aking account hinihikayat kitang i-FOLLOW ako para Lagi kang Updated sa Story ko sa mga susunod pa.
At kung ayaw mo namang mag Follow maari mo lamang i Click (VOTE) ang star namikita mo sa baba para malaman kong may nagbabasa pala at nagustohan ang aking kwento.
MARAMING SALAMAT! 🙏💝
— AVERY's P O V —
Maaga akong nagising. Pagbangon ko napangiti na lang akong makita ang itsura ng mag aama ko. Paanong nangyaring napapagitnaan na nang kambal ang Ama nila. Kapwa pa naka pulupot ang mga ito sa Daddy nila habang nakaunan sa magkabilang braso ni Luke, pero payakap naman ang braso ni Luke sa mga anak niya.Gigising sila sa araw ng kanilang Birthday na kasama ang Daddy nila. Ito na ung kaunaunahang birthday na kasama nila ang kanilang ama.
Kinuhaan ko sila ng Picture bago ako tuloyang umalis sa kama.Naligo muna ako bago nag luto ng almusal namin. Mamaya pa naman kasing 5 nang hapon ang Start ng Party at Celebration ng Kaarawan nila maging ang Anniversary ng Company.
Nag luto lang ako ng Itlog, hotdog, Bacon at sinangag ko.
“Nang Makikisuyo naman po. Patimpla naman po ng dalawang basong Gatas para sa kambal” Utos ko kay Manang Berta.
"Oo sige. Si Luke ititimpla ko narin ba ng Kape niya?"
"Ah, Oo sige po isabay mo na siyang timplahan, gigisingin ko lang ho sila." Tugon ko kay Manang bago nag punas ng kamay at umakyat.
Pag bukas ko ng pinto napangiti ako ng makitang gising na ang dalawa kong anak samantalang ang daddy nila eh himbing pa sa pag tulog.
"Good Morning Mga anak, Happy Birth day. Gigisingin ko palang sana kayo eh." bati ko sa mga anak ko saka ko sila binigyan ng halik sa noo at naupo sa gilid ng kama.
"Thank you Mom, Good Morning too po." Sagot ng anak kong babae bago ito kumalong sakin.
"Good Morning too Mom. This is our first birth day with Daddy, so we’re happy po." Naka ngiting wika naman ni Blake, tumango tango naman itong kambal niya.
"I know. Oh siya sigingin niyo na ang Daddy niyo at tayo’y mag aalmusal na." Saad ko, tumayo naman agad mula pag kakaupo sakin ng anak kong babae para gisingin nga ang daddy nila, tumayo naman ako sa gilid ng kama habang may ngiti sa labi ko.
Tumalon-talon sa kama si Blaze at Blake. "Daddy Wake Up!" sabay namang saad ng kambal.
Pero tulog parin ang isa, tumigil sa pag tatatalon ang dalawa saka may binulong si Blake sa kakambal niya na ikana tawa nito.
Ano kaya ang pina plano ng dalawa naito. Bulong ng isip ko habang natatawa sa kalukohan na naiisip ng mga anak ko.
Nagtatalon uli sila at sabay na sumigaw. "Daddy May Sunog! Wake Up Dad! May Sunog! Ahh!" napatakip ako sa tinga ko sa lakas maka sigaw ng dalawa eh.
Natawa ako sa reaction ni Luke, bigla itong napatalon mula sa kama pa baba sa sahig. "Sunog! Asan ang sunog?" tarantang saad nito.
Nasapo nalang nito ang ulo at umopo sa edge ng kama ng makita kaming nag tatawanan.
"Dimagandang biro ah" Saad niya. Tiningnan pa ako nito na tila ako ang may pakana, na kibit balikan lamang ako.
"HahahaHa" tawa parin ng dalawa ako kasi tumigil na nakatingin na lang ako sa naka kunot niyang mukha.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Mistake
General Fiction[un-EDITED] A woman who grew up in a whole and rich family, she is happy even if her parents control whatever she does, the important thing is that they are happy. Pero isang pag kakamali ang magbabago sa buhay niya. Hindi niya maisip na kaya siyang...