Part 13

147 2 0
                                    

Alex's POV

After having my chit chat with Tita Jamie, I decided to went straight na sa bahay ni Kuya dahil late narin naman, he was busy cooking foods for the party, andito na rin si Ate Pau to assist him.

"good that you're here, na tetense ako sa kuya mo eh." Ate Pau jokingly said.

I shifted my eyes at kuya and he seemed to be worrying, Kuya cooks good pero he don't usually cook dahil sa job niya. He may be frustrated about it.

"he looks so frustrated, what happened?" I asked.

"none, masyado kasing perfectionist yang kuya mo, so he thinks everyone would dislike his arranged party." she told me and I agree with that, mas babae kasi itong si kuya kesa saamin. Mas maarti pa siya kay ate kung siya ang mamahala sa bahay.

"goodeve amigos! " bati ni Jax habang papalapit saamin, his plaid white polo looked so elegant kahit na sobrang simple lang, bakit ganun?

"nice Jax, I told you to come here by 5." sabi ni Kuya sakaniya, 7 na kasi at halos padating na rin lahat nang bisita ni Kuya.

"I told you I'm going somewhere, bawi na lang ako sayo mamaya." sabi ni Jax at tinikman yung finger food na ginagawa ni Kuya.

"anong bawi yan Jaxrill? Kinikilabutan ako sayo ha." pagbibiro ni Ate Pau

"secret, kaming dalawa lang syempre."pang aasar ni Jax na may kasama pang kindat, marahan namang hinampas ni Ate ang braso ni Jax.

"anyways, I have to go, my work pako eh."

"ingat." magkakasabay pa naming sabi kay Ate.

Hinatid na muna siya ni Kuya sa labas at naiwan kaming dalawa ni Jax dito sa loob.

"Jax, sorry nga pala kahapon ah." I said, nakakahiyang tignan sa mata si Jax dahil sa nangyari kahapon sa bahay.

"you don't have to be sorry, wala naman yun saken." masinop na sagot ni Jax, he really sounded like he didn't care.

Umalis si Jax sa kusina at iniwan akong mag isa dito, ewan ko sa bigla biglang nangyari doon, he seemed fine last night.

"Where did you went nga pala? " Kuya asked nang makabalik siya sa kusina, hindi ko na kasi siya nadatnan kanina nung umalis ako kaya siguro di pa niya alam.

"Smith's, business arrangement." sabi ko, this day seemed so long at ngayon ko lang naramdaman yung pagod ko.

"ahh, si Jax nag recommend sayo don for sure." sabi ni Kuya saakin

"ang taray nga nang kaibigan mo eh, nireregla ata." mahina kong sabi, I don't want to sound like nanghihingi ako nang attention kay Jax.

"psh HAHAAHA, bayaan mo na yon. Pag nakakain na yon mabait na ulit yon."

"kuya, makikitulog muna ako ha, gisingin mo na lang ako pag kailangan mo nang tulong." sabi ko and then went upstairs

Nadaan ko si Jax but he seemed so busy with his phone, gusto ko sana siyang makausap about sakanila ni ate kaso yun nga, tinatarayan nga ako.

Pano ako kakausap nang taong parang ayaw naman ako makausap, mejo nakakaasar pag ganon! Grrrr!

Pumasok na muna ako sa bakanteng kwarto dito sa bahay ni Kuya, guest room niya ito at I made sure to lock the door, baka mamaya magulat na lang ako pag gising ko may nag me makeout na dito.

Fastforward

"cheers for Alex's wedding!!! "

Nagising ako bigla sa mga boses sa baba, siguro nga ay nasa gitna na sila nang party, okay lang din kasi nakakahiya naman na makita nila akong paepal sa party ni kuya.

*uuuuurrrkkkk

Rinig ko na yung pagkulo nang tiyan ko, hays wrong timing naman.

Nagdalawang isip pako bago bumaba kaso magugutom lang ako lalo.

Buti na lang at nasa pool side sila kaya naka diretso ako agad sa kusina, nandito lahat nang pagkain kaya I stocked up my mouth with food.

"Alex? " nabitawan ko pa yung lumpia ko sa gulat, lumingon naman ako to check sino yung tumawag saaken.

"hmm? " nahirapan pakong mag salita dahil sa puno nga yung bibig ko "Tristan, buti nakapunta ka."

He laughed at my face at kumuha nang tissue para punasan yung mantika sa gilid nang labi ko.

"kanina pako dito, ang awkward nga kasi lahat sila tinitignan ako dahil sa past relationship naten. Kakarating mo lang ba? "

"hindi, natulog ako sa taas eh. Buti di ka natunaw sa tingin nila." I jokingly said

"hahaha, nakakatawa." he sarcastically said.

"kumain ka naba? Feel ko sobrang intense kanina kaya di ka nakakain." sambit ko

Umiling siya "di pa nga eh, gutom nako."

Kumuha naman ako nang paper plate at inabot ito sakaniya, "oh kumain ka na."

Kinuha niya naman agad ang paper plate sa kamay ko "been waiting for you to do this, kumukulo na yung tiyan ko eh." he said before eating his pasta.

"edi dapat kumain ka na lang kahit nakatingin sila sayo, sabihin mo sapakin ko sila." I said to lighten up his mood, its quite offending kahit na saken kasi parang inimbita lang itong tao na toh para insultuhin.

"sana ganon kadali, ang tanga ko kasi dati eh, kung di ko ginawa yon sayo edi sana okay tayong lahat."

"don't overthink about it, tapos na yon." sabi ko at kumuha nang tubig sa ref.

We both kept entertaining each other by telling silly jokes, nakakaasar kase sobrang corny nang jokes niya kaso ayoko naman na bumalik siya don sa labas para lang ma downgrade.

"party's supposed to be outside." sabi ni Kuya nang madatnan niya kaming dalawa ni Tristan sa may counter nang kitchen.

"ay sorry bro-"

"I told him to accompany me kuya, wala naman akong ibang makakausap dito eh." I butted in.

Kuya stopped his mouth, akmang magsasalita sana siya ngunit tinignan niya ako then he slowly smiled.

"I was just joking, go on and eat well." nakangiting sabi ni Kuya at iniwan kami ni Tristan dito.

Nagkatinginan naman kami ni Tristan and sabay narin kaming natawa.

"nag argue na kasi about this." sabi ko

"love ka non, kahit ano pang argument magkaroon kayo." he said then continued eating.

Must Not Fall Inlove Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon