Kaori's POV
Why here? Of all the places na pwede akong tumira, bakit dito pa? Jusko lord, ikaw na bahala sakin. I speak my thoughts habang nasa harap ako ng isang matangkad na lalake na mukhang gangster na parang namamanching bag ng tao sa isang bahay na mukhang haunted house.
"Hello sir, konnichiwa." Bati ko sa lalaking nasa harap ko in a Japanese manner.
(Konnichiwa: means 'Good Day')
Ngunit nakatingin lang siya sakin at blangko ang reaksyon. Parang di naman to mukhang hapon. Hindi singkit eh. Sino ba to? Eto na ata yung care taker ng bahay? Pero parang mas mukhang akyat bahay eh. Uso din ba akyat bahay dito?
"You know English? Nihonggo? Any kind of language? Anything, no?" Napakamot nalang ako ng ulo kasi hindi parin siya sumasagot.
(Nihonggo: means 'Japanese language')
Pipe ata to eh. Di pa naman ako marunong magsign language.
Noong napansin kong parang magsasalita na siya, biglang nagring yung phone ko. Kaya kinuha ko to sa bulsa ko.
"Excuse me, sumimasen, teka lang ah." Lahat na sinabi ko na. Pili kanalang kung saan dun ang naintindihan mo. Dali dali akong umalis saglit para sagutin ang kung sino man ang tumawag sakin.
(Sumimasen: means 'excuse me')
"Hello? -- oh mama. Nandito na po ako. Kakarat--" di ko tinapos ang pagsasalita dahil tinatapon na ng lalake ang lahat ng mga gamit ko palabas ng bahay.
"Hala! Wait lang ho..." dali daling sabi ko.
"Hey you! Why are you throwing my things?!" Pagmamadali kong sabi habang kinukuha ko yung mga gamit ko na tinapon niya palabas.
"Teka, sandale! Bitawan mo nga yan!" Sigaw ko at hinablot ko yung maleta ko mula sa kamay niya.
"Get out." Simpleng sabi niya na may awtoridad sa tono ng boses niya.
"No! I already paid the rent of this house. Kaya hindi mo ko pwede paalisin dito." Pagmamatigas ko. I know my rights, kaya kahit na mukha ka pang nambubugbog ng tao hindi ako aalis dito.
Hindi pwede to. Yun nalang nga ang natitira kong pera. Pinambayad ko pa dito sa bahay na to para may matirahan lang ako. At non-refundable to, kaya gustuhin ko man lumipat ay hindi na pwede.
"What did you say?" Tanong niya na parang nagulat siya sa sinabi ko.
"I said, you can't make me!" Sabi ko.
"Make you what?"
"Make me...ano. A-ano--" shet, saglit! Hindi ako makaisip ano sa english term ang palayasin eh.
"Ano ba yun?" Bulong ko sa sarili ko habang kinakagat ko kuko ko sa hinlalaki.
I know that biting nails are a bad habit, pero ganito talaga ako pag kinakabahan o napepressure.
"Layas...layas...layas...layas. Eh ikaw nalang kaya palayasin ko?! Takte! Pinapahirapan pa ako eh." Reklamo ko sa kanya.
"How dare you to cast me off in my own house." Kinumpranta niya ako.
"Ah...cast off pala." Bulong ko. "Teka lang, eh nakakaintindi ka naman pala ng tagalog eh. Kunwaring di mo pa alam, pinahirapan mo pa ako. Halos madugo tong ilong ko kaka-ingles sayo." Reklamo ko sa kanya habang inaayos ko yung mga gamit ko.
"What do you think you're doing?" Tanong niya.
"Inaayos ko yung mga gamit ko at ipapasok na sa loob." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Perfectly Strangers | KaoRhys
Fiksi PenggemarA story of a girl named Kaori Oinuma who wants to meet her father for a long time. But in the middle of her journey, she bumps into this mysterious guy who owns the house where she will stay in for a while. What will happen when two perfect stranger...