Chapter 19

335 12 1
                                    

Kaori's POV

"Kamusta kana, Kaori?" Nakangiting bati niya.

Nagulat naman ako noong marinig ko siya magtagalog. "Galing! Parang halos di ko na rinig accent mo. Sino nagturo sayo niyan ah?" Napamanghang tanong ko. Nagkibit balikat naman siya. As usual.

"Pupunta kaba mamaya sa dinner?" Tanong niya.

"Pinapapunta ako ng Papa mo eh. Siya pala Papa mo? In fairness, mabait naman pala tatay mo. Sadyang ikaw lang pala ang maarte." Sambit ko, inirapan niya lang ako.

"Kamusta kayo ng Papa mo?" Tanong niya.

"Puro ka kamusta. Maiba nga usapan, balikan natin noong araw na kung saan nandoon tayo sa hospital." Sabi ko.

"What about it?"

"Bakit umalis ka ng walang paalam huh?! Nanggo-ghosting ka! Nakikiuso ka rin eh no?" Inis na tanong ko sa kanya at nagkibit balikat ulit siya.

"W-Well, You had a moment with you're Dad, and that night I got a bunch of phone calls, so..."

"Ahh, yung jowa mo pala." Bulong ko.

"What?"

"Wala!"

"Bakit parang galit ka? Parati ka nalang galit." Pagrereklamo niya.

"Kasi parati ka nalang ganyan." Napatigil ako. Bakit ba ako nagagalit? Hindi ko naman siya jowa para ganituhin ko eh.

"This is library, don't shout." Sabi niya kaya nilibot ko ang paningin ko sa library.

"Bakit ikaw lang nandito?" Nagtatakang tanong ko.

"Cause it's an exclusive library. Only a few people can enter here." Sagot niya.

"Ang OA ah. May exclusive CR din ba dito?" Sarkastikong tanong ko at tumango naman siya.

"Talaga? Wow." Hindi ako makapaniwala na ganito kayaman ang university na to. Pati CR exclusive eh.

"Kapatid mo ba yun naghatid sakin dito?" Tanong ko.

"Yeah."

"Kaya pala. Kaugali mo kasi eh." Natatawang bulong ko.

"Pinatawag kita dito kasi may sasabihin ako sayo." Sabi niya.

"Ang galing mo na talaga managalog oh. Parang kailan lang, inis na inis ka sakin dahil pinapatagalog kita. Ngayon, nagyayabang kana." Pagkamanghang aniko.

"Don't change the subject."

"Huh? D-Di kaya! Kailan ka natutong managalog?"

"You're doing it again." Ang talino talaga nito.

"Tss. Oo na. Ano ba kasi ang dapat natin pagusapan?"

"Don't show up at the family dinner later." Sagot niya.

"Bakit naman?"

"I'm going to explain it to you. But not now. Just don't attend the dinner later. Give me your number." Sabi niya.

"Teka teka... Naguguluhan na naman ako sa mga nangyayari. Bakit di ako pwedeng pumunta? Kailangan ko rin makilala ang pamilya ng fiancé ng Mama ko." Sabi ko.

Perfectly Strangers | KaoRhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon