Chapter 22

303 14 1
                                    

Kaori's POV

Hindi ko alam kung ano ang dapat na mararamadaman ko. Iba ang feeling na dala ang yakap ni Rhys ngayon. Nagyakapan na kami noon 'nung nandoon pa kami sa Japan. Pero ngayon, may iba talaga akong nararamdaman. Parang unti unting bumibilis ang pagtibok ng puso ko. 'Yung tipong malakas at puro. Na para bang tumigil ang oras sa bawat paghawak at haplos niya sa ulo ko. Ang sarap sa pakiramdam na ayaw ko nang bumitaw pa.

Naloko na. Delekado to.

Nagdesisyon ako na ako nalang ang unang kumawala sa pagkayakap namin kahit 'yun din ang pinakaayaw kong gawin.

"So let's be low key?" Tanong niya.

"Low key." Tumango naman ako at nagkatitigan kaming muli. Hanggang sa ako na ang sumuko at tumingin sa malayo.

"B-Balik na tayo. Baka hinahanap na tayo dun eh." Kabadong sambit ko.

"Mauna ka nang pumasok. I'll show you the way para di ka maligaw." Aniya at sumunod naman ako.

"Eh paano ka?"

"I'll wait for five minutes interval."

"Expert ah. Basta 'yung usapan natin ah." Sabi ko. Tumango naman siya at kumaway ako't nagpaalam.

Masaya akong naglalakad pabalik sa loob ng mansion. Pero at the same time naguguluhan din sa nangyari. Pareho ba kaming nakaramdam ng spark na 'yun o ako lang? Nawala naman ang ngiti sa aking mga labi at tumigil sa paglalakad nang makaramdam ako ng confusion. Ano ba to?! Nakakaloka ah.

Bumalik ako sa realidad 'nung bigla akong tinulak ni Vince at sabay kaming bumagsak sa lupa habang yakap niya ako. Nagulat ako at napapikit na lamang dahil sa bilis ng mga pangyayari.

"Are you okay?" Tanong sakin ni Vince at unti unting minulat ko ang aking mga mata.

"O-Okay lang." Habang inalalayan ako ni Vince sa pagtayo may nakita akong basag na malaking vase sa lugar kung saan ako unang nakatayo.

Eto na ba ang tinutukoy ni Rhys? Na mapapahamak ako once na mainvolve ako sa pamilya nila?

"Kaori anak, jusko okay ka lang?" Pagaalalang sambit ni Mama habang nagmadaling lumapit sa akin. Halos lahat naman ng bisita lumabas para tingnan kung ano ang nangyari.

"It seems the vase fell from the green house at the third floor." Ani Vince. May garden na sa labas, may garden pa sa loob? Ilang garden pa ang gusto nila?

"Check the green house." May awtoridad na boses ang binigay ni Chairman sa mga tauhan niya at agad naman nila ito sinunod.

"Sure ka ba anak na okay ka lang? Walang masakit sa'yo?" Ani Mama na nagaalala parin sa akin.

"Medyo sumakit lang ng konti ang ulo ko sa pagkabagsak namin pero sure na sure ako na okay lang talaga ako Mama." Sagot ko sa kanya.

"May medication for headache and body pain sa cabinet. Teka kuhanan kita to make sure na okay ka." Sabi naman ni Tito.

"Teka ok--"

"Samahan na kita. Dito ka lang anak. Pahinga ka muna." Great. May mas oOA pa pala kay Mama. At 'yun ay ang mapapangasawa niya.

Perfectly Strangers | KaoRhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon