Chapter 24

271 9 0
                                    

Kaori's POV

Pagbalik ko doon sa booth, mas naging crowded dahil sa daming dumating na bagong freshmen na tulad ko.

"Oh ano? Nakatunganga ka lang? Kunin mo 'yung box at ibigay 'yung goods sa mga bagong dating." Pagtataray ni Lienel habang pinapaypay niya ang hawak na flyer.

"Teka nga lang, diba sabi mo pareho lang tayong first year?" Tanong ko habang nagkunwaring nagiisip ng malalim, tumango naman siya, sabay irap pa. "At scholar ka rin kagaya ko."

"Bingi ka ba o sadyang slow ka? Kakasabi ko lang kanina diba? Paulit ulit?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ah. So hindi ka superior dito at pareho lang tayo, tama? Kaya huwag kang magexpect na susundin ko lahat ng utos mo." Sabi ko.

"At sino ka para--"

"Sino ako? Kagaya mo lang din na estudyante dito. Hindi ibig sabihin na pinagbigyan lang kita kanina ay pwede ka na mamuro sa akin. Hanap ka nalang ibang pwede mong mauto ah. Dahil hindi ako pumasok dito para gawing mong utusan." Deretsang sagot ko.

"Excuse me?!" Halatang umiinit na ang dugo niya sakin dahil halata sa kanyang reaksyon.

"You're excused." Nakangiting sabi ko habang binigyan siya ng daan at umalis sa kanyang harapan.

Habang naglalakad lakad ako at nagmamasid, may dalawang estudyante na nakauniform na medical students ang lumapit sa booth namin.

"Good morning, SAM students! It's time for you guys to follow us to the general assembly. Now make four straights lines and follow this nerd looking guy." Sabi ng magandang babae na naka uniform sabay tukso sa kasama niya.

May tumawa naman at sumunod kaming lahat sa instruction ng babae na sa palagay ko ay senior namin.

Habang pumipila kami, naririnig kong may nagchichismisan na mga babae sa likod ko.

"Mga elite students yan mga yan."

"Really?"

"You see that girl? That's Missy Quino, third year Pharma. Siya 'yung nanalong Miss SAM last year."

"No wonder siya ang mananalo, kasi siya lang naman ang pinakamatalino sa course nila." Narinig ko sabi ni Lienel.

"Talaga? Beauty and brains. Sana all." Kumento ng isa pang babae.

"Siya din ang girlfriend ni Gian Alcantara, ang pamangkin ng Chancellor." Ani Lienel.

"Bakit and dami mong alam tungkol sa kanila?" Tanong ng isang babae.

Reporter yan, naligaw lang yan sa SAM department.

"Well, iba talaga pag ang dami mong alam. Di sa pagmamayabang, nakausap ko sila in person kanina during briefing. Just wait and see, pag makita ako ni Missy makikilala niya yan ako." Halatang may yabang ang tono ng pananalita ni ateng bipolar. Umiling nalang ako ng kaunti.

"By the way, is Kaori Oinuma here already?" Nagulat naman ako 'nung tinawag ni Missy ang pangalan ko. Tinaas ko ang aking kanang kamay.

'Nung nakita niya ako nagmadali naman siyang lumapit sakin at hinawakan ang aking kamay.

"Hi! I'm Missy Quino. Nice to finally meet you, Kaori." Katulad ng mga babae na nasa likod ko, ay nakakanganga rin ang bibig ko sa pagkagulat sa ginawa ni Missy. "Tara doon sa harap?" Sabi niya at hinila ako papuntang harapan.

Perfectly Strangers | KaoRhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon