Chapter 28

205 13 3
                                    

Kaori's POV

Pagkatapos ng last subject namin, at nagpaalam na ako kina Belle at Dalia at pumunta ng library para gumawa ng assignment at imemorize ang dapat na imemorize. Gustohin ko man isama sila sa library ni Rhys pero pinagbabawal kasi ito ni kumag. Tinext ko nalang din sina Karina at Jelay na mauna nang umuwi. Tinext ko rin si kuya Joe na malalate ako ng labas sa campus. Nung nakita ko ang pangalan ni Rhys sa phonebook ko, nagdalawang isip akong itext siya dahil sa nakita ko kanina. Bigla akong nainis kaya nagdecide akong wag nalang siya iupdate. Mukha namang wala siya pake sa mga updates ko.

Pagpasok ko sa library, nagsimula na ako mag-aral.

Habang nagsusulat ako, may narinig akong nahulog na libro at tumindig ang mga balahibo ko sa katawan. Ako lang ang mag-isa dito tapos may marinig pa akong ganyan at mukhang doon pa sa dulo yung librong nahulog. Kaya't naglakas loob ako puntahan 'yun.

Dahan dahan akong lumapit sa may dulo at napansin kong may pintuan pala doon. Gumising na naman ang kuryosidad sa aking utak dahilan ng pagbukas ko sa pintuan. Buyset, CR pala to. Kala ko may kung anong mysteryo ang meron dito.

Paglingon ko napasigaw ako nang may tumalon sakin at bumagsak ako. Akala ko kung anong halimaw ang umatake sakin. Buyset, pusa lang pala. Paano nagkaroon ng pusa sa library?

"Aray, ang sakit ng puwet ko. Ikaw talaga." Sabi ko sa matabang orange na pusa.

Napangiti ako dahil malambing ito at napakacute. Nakita ko ang collar niya. Ang sosyal ng collar, gold talaga. "Goose?" Pagbasa ko sa pangalan nito. Natawa ako sa pangalan. Nalito ba ang may-ari nito kung goose or cat ang inaalagaan niya?

"What are you doing here?" Nagulat naman ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. "You're more louder than the cat, you know that?"

Nagmadali naman akong tumayo. "Malay ko bang may pusa dito. At normal lang sumigaw pag nagulat no! Ano gusto mong gulat? Yung dapat chill parin ganun?! At nandito ako para gumawa ng assignment." Natawa naman siya habang nagpapaliwanag ako sa kaniya.

"Anong nakakatawa ah?!"

"Para sa pusa lang, natakot ka pa." Sabi niya habang nagpipigil ng tawa.

"Ewan ko sa'yo." Naiinis na sambit ko at bumalik ulit sa table kung saan ako nagaaral.

"Where's your update?" Tanong niya sakin.

"Di na kailangan. Alam mo na rin san ako ngayon diba?" Sarkastikong sagot ko.

"Kahit na. Iba parin may update ako galing sa'yo."

"Ang clingy mo. Tigilan mo nga ako sa mga paganyan mo."

"Clingy?" He scoffed.

"Pwede ba! Pumunta ka pa talaga dito para asarin ako no?! Doon ka nalang sa binigyan ka ng kape! Wag ka saken dito mangulit at mang asar!" Mas tumawa pa siya nang sinabi ko iyon.

"Are you jealous?" Tumigil ako sa pagsusulat at di ako makasagot sa tanong niya.

"A-Ako? Magseselos?! Neknek mo!"

"Eh bakit ka nagagalit?" Mas napipikon ako lalo pag nakikita kong ngumingiti siya ng ganyan.

"Eh sa naiinis ako sa pagmumukha mo eh!"

Perfectly Strangers | KaoRhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon