Chapter 34

272 15 4
                                    

Kaori's POV

"Ako pala? Di mo bigyan?" Paglingon ko sa nagmamay-ari ng pamilyar na boses na iyon, nakita ko siyang nakatayo sa likod ko.

"Seth?! Bakit ka nandito?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Ako nga rin eh, di ko rin alam kung bakit ako nandito." Sambit ni Seth na mukhang awang awa sa sarili.

Tumingin naman ako sa kasama nitong si Kyle, naghihintay din ng sagot mula sa kanya. "Don't look at me. Nakita ko lang siya palabas ng dressing room ni Andrea." Paliwanag ni Kyle.

"Why are you at Blythe's room?" Nagtaas naman ang kilay ni Ashley kay Seth.

"Itanong mo yan sa pinsan mong lokaret. Basta long story, maya ko nalang ikwento sa inyo." Inis naman na sambit ni Seth habang umupo sa tabi ni Chin.

Habang kumakain ako ng dessert, napansin kong malayo ang tingin ni Kyle at parang hindi sila nagpapansinan ni Chin.

LQ ba tong dalawang to?

Minsan narin ikinuwento sa'kin ni Kyle ang ganap nilang dalawa during lunch time namin sa canteen ng high school. Kaya alam kong MU sila ngayon, di nga lang nila alam. Mga kabataan nga naman.

"Huy, may problema ba kayong dalawa?" Bulong ko kay Kyle.

"Ewan ko ate. Minsan talaga di ko maintindihan ang mga babae." Sambit ni Kyle na halos di mapinta ang mukha sa panlulumo.

"Idaan mo nalang yan sa maayos na usapan. Sayang ang ganda niya pa naman ngayon oh." Sabi ko naman sa kanya.

"Paano ko kakausapin? Eh di man lang ako pinapansin. Tingin ko non-existent ako sa kanya eh." Lalo naman siya nagrant sa akin.

"Akala ko ba kahapon, good na kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Yun nga rin pagkakaintindi ko eh. Di ko alam kung bakit na naman siya nagkakaganyan."

"Suyuin mo. Hindi 'yung nagmumukmok ka diyan sa isang tabi. Para kang ewan." Sabi ko naman sa kanya.

"The party is about to start. I should return you to your table." Sabi naman sa'kin ni Vince.

"Ganun ba? Sige balik na ako sa table ko ah. Magkita nalang tayo mamaya." Sabi ko sa kanila.

"At ikaw, wag kang pabebe. Galaw galaw din pag may time." Bulong ko naman kay Kyle habang siniko ko tagiliran niya at umalis na sa table nila.

Pagbalik namin ni Vince sa table ko kung saan nandoon sina Missy at Gian, nakita ko si Mama.

"Sige Vince, kita kita nalang tayo mamaya. Bumalik ka na doon. Salamat ulit sa pa-desserts ah." Sabi ko sa kanya.

"No problem. See you later then." Ngiting sabi nito sabay kaway at kumaway naman ako pabalik.

"Mama." Tawag ko sa nanay kong napakaganda ngayon na lumingon sa akin.

"Wow anak! Ang ganda ganda mo ngayon." Natutuawang sambit nito habang niyayakap ako.

"Syempre! Sa inyo ako nagmana eh." Ngising sabi ko. "Ayy Mama, pakilala ko po kayo sa mga kaibigan ko." At tiningnan ko sina Missy at Gian. "Eto po si Missy, at eto naman po si Gian."

Perfectly Strangers | KaoRhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon