Chapter 30

288 14 1
                                    

Kaori's POV

Dumaan muna kaming canteen para bumili ng snacks. In other words, bottled water lang ang pakay ni namin kasi gusto lang magbigay ng bottled water itong si Dalia doon sa crush niyang basketball player.

"Thank you talaga na sinamahan niyo pa talaga ako to support my future boyfriend. Ang sweet niyo guys sakin." Sambit ni Dalia.

"Well, technically pinilit mo kaming isama dito. So wala na kaming choice kundi sakyan trip mo." Kumibit balikat nalang si Belle habang natatawang binitbit ko ang mga junk foods na binili namin.

Pag-upo namin sa bench ay nagsisimula na 'yung tryouts para sa basketball. Kitang kita naman ang excitement sa reaction ni Dalia 'nung sumipol na 'yung coach ng basketball team.

"Ayan na 'yung crush ko oh!" Tili ni Dalia na ikinagulat namin.

"Huy! Kalma lang gorl. Asan na?" Tanong ni Belle.

"Ayun oh! Si number four. Siya 'yung tinawag ng Coach nila. Siya din daw ang tinatawag nilang team captain ng Jade Knights." Paliwanag ni Dalia.

"Jade Knights?" Tanong ko.

"Name ng basketball team nila." Sagot ni Dalia. "Balik tayo kay crush. Si Jeremiah Jordan Lisbo. Isang six footer third year college of engineering, captain ball ng basket ball team and he's also an Elite student."

"Kaya pala ang daming babae dito sa gym. Halos lahat ng players dito, member ng Elite." Kumento ni Belle habang kumakain ng popcorn.

Pansin ko rin na mas madami pang mga estudyanteng babae na nandito kesa sa mga players na magtatry-outs.

"Form yourselves into two straight lines, now!" Rinig naming ininstruct ng team captain slash ultimate crush ni Dalia sa mga gustong magtry-outs sa basketball.

"Oh My Gaaaaahwd! Donny is here na!!!" Dinig naming malakas na tili sa mga babae doon sa harap nang may dumating na isang gwapo at matangkad din na basketball player.

"At sino naman 'yun?" Tanong ni Belle.

"Uyy! Interested na siya." Sambit ni Dalia.

"Asa! Para sa nagtanong lang eh." Inirapan naman ni Belle si Dalia.

"Siya naman si Donny Pangilinan, ang center. Ang gwapo din ng isang to at sobrang popular sa girls." Ani Dalia.

"Ah fuckboy." Sabi ni Belle na ikinagulat naman namin.

"Huy! Ang bad mo." Sambit ni Dalia.

"Bawal ba ang pangit sa kanila?" Kumento ko naman.

"Isa pa tong si Kaori." Tawang sabi niya. "Actually meron naman na di ko talaga type. Pero sila talaga ang main attraction sa basketball team. Kasi di lang sila mga gwapo at matatalino, mahuhusay din talaga silang manlalaro. Ang tawag sa kanila ay triple thread." Paliwanag ni Dalia.

"Asan 'yung isa?" Tanong ko.

"Ha?" Tanong ni Dalia.

"Hakdog. Triple nga diba? Syempre tatlo yan dapat sila andiyan. Eh asan 'yung isa?" Pangaasar na tanong Belle.

"Ah 'yung pangatlo. 'Yung pointguard nila. Madalas 'yun wala dito pero balita ko nakakatakot at dapat daw na iwasan 'yun pag pumunta at sumulpot bigla 'yun dito sa gym. Sa sobrang troublemaker daw 'nun, pati 'yung coach nila sumuko sa kanya." Sagot ni Dalia.

Perfectly Strangers | KaoRhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon