Chapter 26

375 13 5
                                    

Kaori's POV

Tag-ulan ngayon pero biglang uminit ang panahon dahil sa tensyon ng dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang dulo ng aking mga kamay.

Guysh! Enebe? Ako lang to ah. Charot!

"A-Ah Vince, mauna ka na pala. Nakalimutan kong may usapan pala kami ni su-- este Rhys." Di ko alam ang sinasabi ko pero buti nalang at naitawid ko itong muli.

"Okay. See you later then." Ngiting sabi niya sakin at binitawan na ang pulso ko.

Ngunit lumingon ito muli kay Rhys at binigyan ng makahulugang titig na ngayon ko lang nakita mula sa kanya.

Hindi din nagpatalo si Rhys at tinalas niya rin ang titig niya kay Vince. Anong problema ng mga to?

Bago pa ako magsalita ulit, hinila na ako ni Rhys papalayo kay Vince. Hindi nalang ako pumiglas at hinayaan ko nalang siya na hilain ako at dalhin kung saan man itong nais niya.

Buti nalang habang nangyayari ang eksenang ito, nasa lugar kami kung saan madalang lang dumaan na mga estudyante dito. Kung hindi, issue na naman to pag nakita kami. Ano pang bago?

Pag abot namin sa library na kung saan may hightech na glass door, binitawan niya na ang kamay ko at humarap siya sakin.

"I told you to tell me everything, Kaori." Seryosong sambit niya sakin.

Hindi ko alam pero every time na tinatawag niya ako sa aking pangalan, kinakabahan at natutunaw ako at the same time.

"A-Ayos naman na ako eh. Ayoko lang naman na--"

"What happened and why's that guy with you?" Nagulat ako sa binibigyan niyang reaksyon sakin ngayon.

"Huy! Pinsan mo si Vince ah. Parang maka 'that guy' ka sa kanya. At bakit parang galit kapa dun sa pinsan mo eh siya nga tong tumulong sakin kanina para makatakas sa mga dumukot sakin."

"So may nangyari nga sa'yo and you didn't call me?" Singhal niya sakin habang hinahatak niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok.

"Paano kita matatawagan eh nakahawak na sila sakin? So dapat ba magadjust muna 'yung mga dumukot sakin para lang matawagan kita?" Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"This is not the time for jokes, dimwit. The thing is you're not calling me in terms of danger. Like what happened there at the cafeteria with Achilles." Daig pa niya tatay ko sa pagsesermon niya sa akin ngayon.

"P-Pasensiya na. Di ako sanay sa mga ganito eh. Pero kailangan mo rin maintindihan na nagugulat parin ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Di ko naman alam na ang pagiging isang bahagi ng pamilya niyo ay magiging ganito ka komplikado." Bigla naman siyang natahimik at bagkas ang lungkot sa mga mata niya dahil sa sinabi ko.

Hinila niya ako at pinaupo sa swivel chair. "Wait here." Aniya.

Pinili ko si Rhys dahil kahit demanding siya at puro pangiinis lang ang ginagawa niya sakin, sa kanya ako nakaramdam na komportable ako. At feeling ko, ligtas ako sa tuwing kasama ko siya.

Habang naghihintay sa kanya, nilibot kong muli ang aking mga mata sa malawak na exclusive library ni Rhys at napapaisip kung pwede ako mag-aral dito. Baka naman.

Bumalik siya na may dalang box na may red cross na logo rito. Kumuha siya ng mini stool at umupo sa harapan ko at tumingin sa akin.

"Para saan yan?" Tanong ko sa kanya habang binubuksan niya ang box na sa palagay ko ay first aid kit.

"You stupid little potato, you're not even aware that you have a wound on your knee." Sabi niya habang kumuha siya ng bulak at betadine sa box. Kaya tiningnan ko ang kaliwang tuhod ko na may konting dugo at pasa.

Perfectly Strangers | KaoRhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon