Kaori's POV
Dumating din yung araw na uuwi na ako pabalik ng Pilipinas.
"We're going to miss you one-chan." Sabi ng aking dalawang bunsong kapatid.
(Translation: one-chan means ate/older sister)
"Me too. Video call me anytime okay?" Sabi ko sa kanila at nagyakapan kami.
"Have safe flight, Kaori. It's nice to meet you again. Visit here again next year, okay?" Sabi ng asawa ni Papa habang tinutulungan niya ako sa mga bagahe ko.
"Hai. Arigattō gozaimasu!" Pagbibigay salamat ko sa kanya sa pagtanggap niya sa akin at pinatuloy sa kanyang bahay.
"Kaori, let's go?" Sabi ni Papa habang iniistart niya na ang kotse. Kaya pumasok na ako at nagpaalam na sa kanila.
"Mata ne! Aitaiyo." Sabi ko habang kaumakaway sa kanila.
(Translation: See you! I'll miss you guys.)
Pagabot namin sa airport, may nakita ako dalawang mag-asawa na pareho ang suot na nakalagay na 'i heart osaka'. May bigla akong naalala.
Kamusta na kaya siya? Tama na yan, Kaori. Malabo na kayong magkita muli kasi uuwi kana ng Pilipinas. At isa pa, may jowa na yung tao. Ayoko narin uli maka encounter na katulad ng ex niya. Toxic sa mata eh. Ang importante ay isipin mo ang nalalapit na enrollment mo.
"See you again, Kaori. Take care always, okay?" Sabi sakin ni Papa at niyakap niya ako bago ako pumasok sa gate.
"Yes Papa. I'll miss you." Sabi ko rin at nagpaalam.
"I miss you already. Call me when you get there." Sabi niya at nagpaalam din. Tumango lang ako at kumaway sa kanya.
Lumipas ang apat na oras at nakauwi narin ako ng Pilipinas. I'm baaaack!
Pagkuha ko ng bagahe ko ay dumeretso ako agad palabas para hanapin sina Mama. "Ayun!" Nasasabik na sambit ko habang tinuro si Jelay na may hawak na karatula na may caption na 'Welcome Back Kaori!'
"Kaoreeeeeng!" Sigaw ni Jelay. Tumakbo at at tumalon siya sa akin kaya umilag ako sa kanya.
"Ang sama nito!" Sigaw niyang muli at binigyan ako ng nagtatampong tingin. Tumawa lang ako sa kilos niya.
"Welcome home, anak." Bati sakin ni Mama at niyakap ako.
"Namiss kita Mamaaaa." Sabi ko at niyakap ko rin siya.
"Namiss ka rin namin Kaokao." Sabi ni Karina at niyakap din ako.
"Namiss ka naming lahat babaita ka." Sabi ni Jelay at sumama sa group hug namin.
"Namiss din kita, Kaori." Sabi ni Wealand na ngayon ko lang na napansin na sumama din siya. Kababata rin namin siya nina Jelay at Karina.
"Oh! Anong ginagawa mo? Kami lang pwede yumakap. Dumadamoves kapa eh." Sabi ni Jelay at hinawakan ito sa ulo para maiwasan itong yakapin ako.
"Oh! Kamusta pare? Buti nakasama ka dito." Bati ko kay Wealand.
"Okay lang ako. Musta ang Japan?" Tanong niya.

BINABASA MO ANG
Perfectly Strangers | KaoRhys
FanfictionA story of a girl named Kaori Oinuma who wants to meet her father for a long time. But in the middle of her journey, she bumps into this mysterious guy who owns the house where she will stay in for a while. What will happen when two perfect stranger...