Chapter 25

265 10 1
                                    

Kaori's POV

Hindi nagkukusang gumalaw ang aking katawan sa kaba ng nararamdaman ko ngayon. Pero di ko pinapakita na natatakot ako sa harapan ng bully na'to. Huwag kang magpasindak sa kanya, Kaori!

"It's nice to see you again, Kaori Oinuma." Binati niya ako na may halong pagbabanta sa boses niya.

Tiningnan ko lang siya ng blangkong ekspresyon, nagdadasal na di niya ako sasaktan katulad ng ginawa niya sa lalaking nakahandusay parin sa gitna ng cafeteria.

"I think this is the time where you should run for help." Sarkastikong sabi niya habang ngumisi ng nakakaloko.

"I can manage myself, thank you." Naituwid ko ang mga katagang yan na walang bakas na takot mula sa tono ng boses ko.

Tumawa naman siya ng napakalakas na parang nakakatawa talaga ang sinabi ko. Tuluyan na ata siyang nasiraan ng bait.

Nagsimula akong kinabahan ng todo nang biglang sumeryoso ang kanyang mukha at doon na ako biglang umatras ng kaunti dahil nilalaro niya na ngayon ang kanyang baseball bat.

"Achi, stop!" Rinig kong sigaw ni Aljon nang ituro niya ang baseball bat sa ulo ko.

Rhys.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may nanghagis ng bola ng basketball at tumama ito sa ulo mismo ni Achi. At mas nagulat ako nang makita kong si Rhys ang may gawa nito.

Biglang dumami at nagkagulo ang mga estudyante sa loob ng cafeteria at lahat ay nakatingin kay Rhys at Achi.

Narinig niya ba sigaw ng isipan ko? Nagpakawala ako ng isang maluwag at malaking buntong hininga.

Napansin ko ang malaking inis sa mukha ni Achi habang lumingon ito sa direksyon ni Rhys. Ngunit tumawa itong muli ng nakakaloko na para bang nababaliw na ang taong nasa harapan ko ngayon.

"Finally! In the flesh! Welcome back, Rh--"

"Shut the fuck up and follow me." Seryoso at purong may awtoridad ang pagbigkas ng binitawang salita ni Rhys at lumakad ito papalayo habang nasa bulsa ang kanyang mga kamay.

Dahil doon, nagbigay ng isang malakas na hiyawan ang mga babae sa pa-cool effect na ginawa ni Rhys. Iba din talaga mga galawan ni young master ano?

Nabigla ulit ako nang humarap muli sa akin si Achi. "I guess I'll see you later then, new meat." He smirked at me and left to follow Rhys.

"Mama mo, new meat." Bulong ko at inirapan nalang sa kabaliwan ng lalaking iyon.

Napansin ko namang lumapit sa akin si Mr. President. "Ayos ka lang ba?" Nagalalang tanong niya sa akin.

"O-Oo. Ayos lang."

"Pasensiya ka na. Nadamay ka sa away ng dalawang yun." Nagtaka ako sa sinabi ni Aljon sakin. Away nila?

Tatanungin ko sana si Aljon tungkol sa away nina Rhys at ng campus bully pero dumating 'yung Rain ba 'yun? Basta girlfriend niya.

"Cookie, why are you still in here? I thought we're going to go to this café--" napatigil naman siya sa pananalita nang napansin niyang nasa harapan lang ako sa kanilang dalawa. "And who the hell are you?" Tanong niya sakin habang tinitigan niya ako mula ulo hanggang talampakan.

Perfectly Strangers | KaoRhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon