Kaori's POV
Habang nakikinig ako ng music sa phone ko, biglang na-off ang phone.
Ayy shocks battery empty. Yaan mo na nga, pauwi naman na ako eh.
Sa sobrang tahimik sa loob ng kotse, may nakaramdam akong kakaiba dito. May off talaga eh. Di kumikibo si Kuya Joe sa'kin. Parati pa naman tong nagtatanong at panay chika sa'kin.
"Kuya Joe, alam mo bang may nangyari sa party kanina?" Panimula ng kwento ko sa kanya, pero ni hindi man lang siya lumingon sa'kin.
"Nagkagulo sa party, para nga akong extra sa telesrye nila eh. 'Yung tagalakad lang sa camera at tagakain." Natatawang aniko pero wala parin siyang reaksyon kaya nabahala na ako.
"Kuya Joe, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya habang hinawakan ang balikat niya pero nagulat ako sa nakita kong hindi ito si Kuya Joe.
"Kyle?!" Gulantang na tawag ko sa kanya. "Kailan ka pa naging driver ko?!"
"Ah eh... hehe. Ano kasi ate." Pangiti ngiting sambit niya.
"Ang totoo niyan, nandito din kami sa likod." Napatalon naman ako nang marinig ko ang boses ni Francine mula sa likod.
Nakita kong nagtatago doon sina Francine, Andrea at Seth.
"Bakit kayo lahat nandito sa kotse? At ikaw Kyle, may pashades ka pang nalalaman ah. Kala mo di kita makilala?! Pakiexplain nga." Naguguluhang tanong ko sa kanilang lahat.
"Eh kasi nga di kami makalabas ng house dahil sa mga body guards ni Lolo. Kaya ayun, kinuha namin ang car na'to at nagpanggap naman na driver si Kyle kasi nga di marunong magdrive ng car itong si Seth. And then we decided to hide until we gonna drive you home. I didn't know you were close with your driver, which is odd by the way." Pinapaypay niya ang sarili gamit ang kanyang kamay pagkatapos ng mahabang paliwanag na iyon.
Base sa aking obserbasyon, mukhang lumabas nga silang apat ng walang paalam. "At saan naman kayo pupunta nito pagkatapos? Seth alam ba to ng ate mo? Chin? Alam ba to ng kuya mo?" Nagaalalang tanong ko sa kanila. Puro menor de edad pa kasi ang mga to.
"Look step sister, you don't have to worry about us. Pupunta lang naman kami sa rest house in batangas. And alam to ni kuya Rhys. You can ask him if you want." Walang ganang sagot sakin ni Andrea.
"Batangas? Ang layo non ah. At gabi kayo magdadrive papunta doon. Diba't delekado ang kalsada doon tuwing gabi?" Pangungulit ko sa kanila na parang magulang na nagaalala.
"Yun nga din ang sabi ko dito kay Blythe." Sambit naman ni Chin na sumangayon sa akin.
"Great, now dalawa na kayong killjoy sa trip na'to." Pagirap ni Andrea sa amin.
"Actually tatlo kami. Sumama lang naman ako dito dahil wala akong choice." Pagrereklamo naman ni Seth.
"Arrrgh! Why you guys always have to spoil the fun? Ang boring niyo ah! Kyle can you stop the car for a minute? Ang init at ang sikip na dito sa likod." Inis naman na sambit ni Andrea.
Ipapark na sana ni Kyle ang kotse sa tabi nang may napansin kaming kotse na humarurot at hinarang ang daan namin. Kaya pumreno si Kyle ng malakas.

BINABASA MO ANG
Perfectly Strangers | KaoRhys
FanfictionA story of a girl named Kaori Oinuma who wants to meet her father for a long time. But in the middle of her journey, she bumps into this mysterious guy who owns the house where she will stay in for a while. What will happen when two perfect stranger...