Kaori's POV
"Oh Rhys." Napalingon ako kay Rhys na kakadaan lang sa hallway na tinawagan ng kanyang kapatid.
At parang nabigla pa ang mokong na makita kaming magkasama ng kanyang kapatid. Ang weirdo ne'to.
Nang hindi siya umimik nang tawagan siya ni kuya Andre, lumapit ito sa kanya kaya sumunod naman ako. "Come here. I'd like you to meet--"
"Not interested." Napanganga naman ako sa derektang sagot niya. At ang kapal din talaga ng mukha ng asungot na to na siya pa talagang may ganang magsabi ng ganyan ah. At nagwalk out pa! Ang husay! Bilib naman talaga ako sa kumag na'to! Tinde!
"Pasensiya ka na. Ganun lang talaga iyon. But I'm sure pretty soon, you'll get used to it." Sabi ni Andre. Napangisi naman ako sa inis.
Humanda ka talaga! Pag ikaw namansin mamaya, who you ka talaga sakin! Sinasabi ko sayo!
Pagbaba namin ni kuya Andre, napansin kong marami ng tao sa dining area. Ganito ba talaga ang set up ng family dinner nila?
"Kaori." Tawag sakin ni Mama habang sumesenyas siya na lumapit ako sa kanya. "Saan ka ba galing bata ka? Bakit nasa second floor ka ah." Napangiti naman ako kay Mama habang hawak hawak ang batok ko.
Di nagtagal nagsilabasan narin ang mga parang nagke-cater at nagassemble ng mga kubyertos sa napakalaking dining table nila. Ang gara!
Pagupo ko sa tabi ni Mama, nanlaki ang aking mga mata nang makita ko na katabi ko rin si Vince. Yung kulot na englisherong nakilala ko kanina sa school.
"Hi." Ngiting bati niya.
"W-Woi. Nandito ka rin pala?" Naiilang na tanong ko. Ngumiti lang siya sakin ang tumango. Di ko siya makita sa ng harap harapan kasi naiilang ako. Ang pogi din kasi ng lalaking to. Lakas ng dating.
Pero mas nanlaki mata ko pag harap ko sa kabilang row ng mesa ay nasa harap namin nakaupo si Rhys na tinitingnan kaming dalawa.
Umiwas ako ng tingin. Mali, mas delekado palang tingnan ang mokong na 'yun. Iba kasi ang mga titig niya. Di ko maipaliwanag.
Nakita ko rin na katabi ni Rhys 'yung kuya niya na si Andre at pati narin si Andrea na nakilala ko kanina. Ang gaganda't gwapo naman ang lahi nila. Nakakasilaw tingnan eh.
"Good Evening, everyone. Thank you for coming on our family dinner in such a short notice." Sabi ni Tito John na nakaupo sa dulo ng table na siyang host sa padinner na ito.
"I have an announcement to make. If all of you still noticed who is the fine lady sitting beside me, I would like you to meet my fiancé, Rachel and her daughter Kaori." Pinakilala kami ni Tito sa lahat ng mga tao na nandito ngayon.
"I hope I'm not too late for the appetizer." Nagsitayuan ang lahat 'nang may dumating na matandang lalake na may kasamang maraming body guards.
"Welcome back, Chairman." Sabay sabay nilang bati sabay yumuko kaya ginaya narin namin ni Mama.
Napansin ko rin na nagmadali si Andre na lumipat ng upuan at katabi niya na ngayon na tinatawag nilang chairman.
Ako lang ba to o parang nag iba ang lighter mood kanina at napalitan ito ng tensyon sa karamihan dito?
"Sit down and relax. This is a family dinner." Sabi ng chairman at nagsiupuan naman kaming lahat.

BINABASA MO ANG
Perfectly Strangers | KaoRhys
FanfictionA story of a girl named Kaori Oinuma who wants to meet her father for a long time. But in the middle of her journey, she bumps into this mysterious guy who owns the house where she will stay in for a while. What will happen when two perfect stranger...