Chapter 33

236 7 0
                                    

Kaori's POV

Pagkatapos ng napakaraming damit na sinuot ko at heels na pinasukat nila sa akin, binigyan naman nila ako ng isang matinding make-over.

Habang nilalagyan ako ng blush-on ng make-up artist, nakita ko si Missy papasok ng salon.

"Hi Kaori! You're so pretty naman talaga oh." Nagagalak na sambit nito habang papalapit sa'kin.

"Mas maganda ka ng di hamak sa'kin no. Bagay talaga sa'yo ang yellow gown. Para kang si princess Belle ng beauty and the beast." Ani kong namamangha sa ganda ni Missy ngayon habang maghawak kami ng kamay. "Teka, bakit ka pala nandito?" Tanong ko.

"Rhys told me that you're also coming sa birthday ball ni Andrea. Kaya naisip kong sabay na tayo pumunta doon." Sagot niya habang binigay niya sa akin ang phone ko na kinuha kanina ni Rhys.

"Bakit nasa'yo to?" Nagtatakang tanong ko.

"Pinamimigay niya when I was on the way here." Sagot ni Missy sabay kindat sa akin.

Pagcheck ko sa notification ko, may ilang text messages at one missed call. Nakita kong si Mama ang nagmissed call nito kaya tinawagan ko siya.

"Hello anak? Ready ka na ba para mamaya?" Tanong ni Mama sa kabilang linya.

"Ayy eto na nga po--"

Hindi ako nakapagsalita 'nung nagsalita siyang muli. "Tumawag nga pala sa akin si Rhys na siya na daw bahala sa'yo. Pakisabi nalang sa batang 'yon na salamat ah at inalala ka niya kamo." Ano raw?! "Oh sige na. Magkita nalang tayo mamaya sa party. Ingat ka anak. I love you." Sambit ni Mama na tila'y nagmamadali ito at pinatay agad ang linya.

"Sino nagsabi pwede niyang tawagan ang Mama ko. Feeling close amputek!" Bulong ko na kinatuwa naman ni Missy.

"What are you mumbling about?"

"Ganoon ba talaga si Rhys? Bigla bigla nalang susulpot na walang pasabi, tapos maiinis ka nalang kasi wala kang ideya kung ano ang nangyayari kasi hindi naman siya nagsasabi kung anong ginagawa niya." Hindi ko maiwasan na mag-vent out kay Missy sa inis ko kay Rhys.

"Well that's Rhys, a man of few words but he's also a man full of actions." Maikli at makahulugan naman ang sinagot ni Missy sa akin.

"Ah, Missy... pwede magtanong?" Tanong ko na may pag-aalangan.

"Anything." Ngiting sagot niya na nakapaggaan sa loob ko.

"Paano ba si Rhys bilang kaibigan?" Natanong ko rin.

"Well someone's curious." Lumingon naman kaming dalawa ni Missy sa nagmay-ari ng boses na 'yon.

"Gian, why are you here?" Tanong ni Missy sa kanya.

"Cause I'm too pissed at Rhys not able to go with you. Kaya bahala siya, Kaori wouldn't mind naman di'ba?" Sagot ni Gian na nakangisi sa akin.

"Pasaway ka talaga. Magsasama naman tayo mamaya eh." Sambit ni Missy habang pinalo niya sa bandang braso si Gian.

"I can't help it. I missed you already, baby." Halos mamula naman kami pati ng make-up artist sa swabeng galawan ni Gian kay Missy.

Perfectly Strangers | KaoRhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon