Chapter 29

211 7 0
                                    

Kaori's POV

Nakalipas ng ilang araw nang pumasok ako sa JADEU, naging tambayan ko na ang exclusive library ni Rhys every after class. Since busy si asungot at di siya nakakapunta dito, payapa ang mga araw ko sa library na kasama si Goose. Gaya ng sabi ni Rhys, iniiwasan ko rin yung mga taong mga takaw gulo kagaya nina Achi at Mona. Kaya naging lunch narin namin ang cafeteria ng SHS building.

Sinasama ko narin sina Belle at Dalia at naging close din sila agad nina Karina at Jelay na kasama din ng mga classmates nila. Minsan nga nagtataka na ang mga highschool students kung bakit maraming college students sa cafeteria nila araw araw. Pero di naman nila kayang kuwestiyunin si Andrea bilang parating siyang kasama ni Seth na kasama namin kumakain every lunch time.

Ang gulo pero habang tumatagal, lalo kaming dumadami at mas nagiging masaya ang mga araw ko sa JADEU dahil sa kanila.

"Kaoreeeeeng! Di pa ako ready sa Bio natin." Iyak ni Dalia sa akin. Friday na kasi ngayon at oral recitation today. Umiling nalang ako sa kanya.

"Kung di sana sumabay ka mag-aral sakin, ehdi sana di ka naglulumpasay diyan sa tabi ni Kaori." Sambit ni Belle.

"Wow! Kanina ka lang kaya nagcramming. Don't me!" Sagot ni Dalia kay Belle.

"At least may ginawa ako. Eh ikaw? Puro kaharutan lang ang ginawa mo. Parating nagtatambay sa basketball court. Dinaig mo pa mga cheerleader doon!" Reklamo ni Belle.

"Oh walang aawat oh! Walang aawat!" Biro ko sa kanila na parati akong ginagawang referee ng dalawang to.

"Kaori naman. Sige na! Pag tatawagin ang pangalan ko, sabihin mo kay sir, 'I volunteer as a tribute!' ganun!" Natawa naman ako sa sinabi ni Dalia.

"Ano ako, si Katniss Everdeen?" Sabi ko.

"Patay ka talaga kay Sir Sajorda niyan." Pananakot lalo ni Belle kay Dalia.

Si Professor France Sajorda, ang isang terror na BioChem Professor namin. Galit yun sa mga estudyante na hindi nakakasagot ng tama sa mga tanong niya. In short, tinuturing niyang mga robot ang mga estudyante niya. Kaya ganito nalang katakot si Dalia.

"Goodbye guys, transfer na ako sa ibang planeta. Ayoko na dito sa Earth."

"Ang OA nito. Oo na." Sabi ko sabay iling sa kanya.

"Talaga?" Kuminang bigla ang mga mata ni Dalia at niyakap ako. "Thank you talaga Kaoreeeeng! Labyuuu! Dahil diyan, libre kita ng favorite cake mo mamaya!"

"Sana all." Sabi ni Belle habang nagsimula ulit siya magreview.

"Can you three idiots shut up over there?!" Lumingon naman kami sa sinabi ni Lienel. "You know what--"

"Hindi pa namin alam at ayaw namin malaman." Pagbabara ni Dalia sa sinabi nito.

"I really don't know why a prestigious University like JADEU can have a squammy students like you." Singhal ni Lienel sabay hairflip ng mahaba niyang buhok.

"I really don't know why hanyenye squammy blablabla like you. Pwede ba, wala kaming pake sa opiniyon mo! Kaya shut up ka nalang kung wala kang magandang sasabihin." Pambabara ulit ni Dalia sa kaniya at ginaya pa ang pagsasalita nito.

Perfectly Strangers | KaoRhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon