Kaori's POV
Parang eto na ata ang pinakamaraming ganap na nangyari sa akin sa loob lang ng isang araw. Halo halong emosyon din ang naramdaman ko. Halos mabigay na ang katawan ko sa sobrang pagod. Gusto ko nang maligo, magpahinga at matulog. Antok na antok na ako.
Nanginginig din ako sa sobrang lamig sa loob ng taxi na'to. Dapat natutulog na ako ngayon eh. Eto kasing kumag na'to! Bakit kailangan pang maghotel eh may bahay naman siya? Siguro malaki ang utang nito tapos sumisingil na sa kanya ngayon. Kung totoo ang hinala ko, hanep din sa porma iyong mga bumbay nila dito ah. Samantalang sa amin doon sa Pilipinas, mukhang riding in tandem lang.
Di nagtagal nakarating din kami dito sa hotel at hindi pa ako nakababa ng taxi, napanganga ako sa sobrang elegante ng entrance nito. May bigla din nagbukas sakin sa pintuan ng taxi.
"Taray!" Ang agad na sinabi ko habang pababa ng sasakyan.
"Konbanwa. Keiōpurazahoteru e yōkoso!" Bati sakin ng bellboy ng hotel. Nguminiti at tumango lang ako.
(Translation: Good Evening. Welcome to Keio Plaza Hotel!)
"K-Ke...Kei--" pilit na basa ko sa pangalan ng hotel.
"Keio Plaza Hotel." Ani Rhys.
"Bakit dito tayo bumaba? Parang mga mayayamang tao lang ang nakakapasok dito. Naku Rhys! Ginto ang presyo dito. Doon nalang tayo sa iba. Mukhang di natin keri to." Sabi ko. Pero di niya ako pinansin at dere deretso siyang pumasok sa hotel kaya wala na akong choice kundi ang sumunod sa kanya.
Pagpasok namin, nawala bigla ang antok ko at napalitan ito ng pagkabigla. Ang ganda, nakakasilaw at ang gara ng hotel na ito. May mga makikinang at malalaking chandelier sa gitna ng lobby. Halos makita ko na ang sariling kong repleksyon sa sobrang kintab ng tiles nito. At mas maliwanag pa sa kinakubakasan ko ang mga ilaw dito. May nakikita din akong foreigners na dumadaan. Meron ding mga taong nagdadala ng mga bagahe nila para magchcheck-in din. Nakakahiya tuloy, parang kami lang atang dalawa ang magchecheck-in dito ng walang bagahe o kahit bag man lang na bitbit.
Habang kinakausap ni kumag ang receptionist, iniisip ko kung paano ko ipaliwanag kung bakit hindi ako nakatawag ngayon at kahapon kay Mama. Tiyak na nagaalala na sakin yon ngayon. Patay ako nito.
"What?! You have only one single bed room available? Just give me suite." Tinaasan ng boses ni Rhys iyong lalaking receptionist.
"All the suites have been booked, Sir. Go fuben o okake shite mōshiwakegozaimasen." Sagot ng lalaki.
(Translation: We apologize for the inconvenience.)
"Ja, i yo!" Inis na sabi ni Mr. Suplado at kinuha ang key card. "C'mon." Sabi niya sakin. Sumunod nalang ako. Mukhang mainit na naman ang ulo nitong sungitisoy na'to.
(Translation: Fine!)
Nakaupo kami ngayon sa isang malaking sofa sa lobby habang naghihintay na linisin ang kwarto. Medyo kinakabahan ako dahil makakasama ko siyang matulog sa iisang kwarto. And imagine, for two nights straight na ito. Mygaaahd Kaori! Kapag ito nalaman ng nanay mo, babaita ka.
Ewan ko kung bakit ako kinakabahan, eh kung tutuusin kagabi, parang wala lang iyong nangyari. Siguro dahil ibang scenario na ito kasi ngayon, wala siyang sakit at hotel itong pinagstayan namin. Bakit ko ba ito iniisip masyado eh wala naman kaming ginagawang masama. Ano ba ang ginagawa sa hotel? Diba matutulog lang naman? Dapat pagpasok namin sa kwarto, hihiram ako agad ng phone sa kanya para pwede akong uniwas sa kanya, tama.
BINABASA MO ANG
Perfectly Strangers | KaoRhys
FanfictionA story of a girl named Kaori Oinuma who wants to meet her father for a long time. But in the middle of her journey, she bumps into this mysterious guy who owns the house where she will stay in for a while. What will happen when two perfect stranger...