Chapter 38

268 12 5
                                    

Kaori's POV

Pagkatapos ng masayang girl talk session namin, nagtime check ako. "Quarter to four na pala?!" Gulat na sambit ko.

"Yeah. Ganoon na pala tayo katagal naguusap. I'm lowkey shookt." Natawa naman kami ni Chin sa komento ni Andrea.

"Well congratulations, Blythe. You survived without using your phone. See?" Sabi ni Chin na kunwaring pumapalakpak sa biggest achievement ni Andrea. Natawa naman ako lalo dito.

"Oh sige na. Mauna na ako. Inaantok narin kasi ako eh." Paalam ko sa kanila.

"Okay ate Kaori. Good night, oh I mean, good morning pala." Natatawang sambit ni Chin sa'kin.

"Good morning din. Sweet dreams sa inyong dalawa." Ngiting sabi ko.

"You should come over tomorrow night, I-I mean tonight." Nabigla at natuwa naman ako nang marinig ko 'yon mula mismo kay Andrea.

"Sige." Lalo lumaki ang ngiti ko palabas ng kwarto nila.

Habang nandoon ako sa kwarto nila, palihim kong inilagay ang regalo ko sa table ni Andrea.

Sana magustuhan niya ang bigay kong bracelet sa kanya.

Masaya akong naglalakad papunta sa kwarto ko habang nagii-stretch ng katawan. Feeling ko naging close ko na ang dalawa overnight. Pero at the same time, napagod din ako kakakwento ko sa kanila.

Parang ang sarap nang humiga sa kama.

Pagbukas ko ng pintuan, hindi na ako nagbukas ng ilaw at agad akong tumalon sa kama. Ngunit nangilabot ang buong katawan ko nang maramdaman kong may tao din na nakahiga sa kama.

"Waaaa--ano to?! Ano to?! Aaaaaaahhhh! Multoooo! Mamaaaaa!" Sumigaw ako sa kakila-kalibot na karanasan na ito at lumayo sa kung anumang nilalang ang nasa loob ng kumot na iyon.

"What the hell?" May narinig akong boses ng isang lalaki na parang nasasaktan siya.

Wait... binuksan ko ang ilaw at nakita ko si Rhys na namimilipit sa sakit.

"Anong nangyari sa'yo at bakit nandito ka sa kwarto ko?!" Tanong ko na gulat parin hanggang ngayon.

"Are you trying to kill me?!" Ungol niya habang namimilipit parin sa sakit.

Lumapit ako sa kanya at tumingin kung ano masakit sa kanya. "O-Okay ka lang?"

Malamang hindi. Anong klaseng tanong yan, Kaori?

"I think y-you broke my leg." Mahinang sambit niya.

"A-Ano? Leg?"

"My s-small leg."

"Maliit na binti?" Naguguluhan parin ako sa mga pinagsasabi nitong lalaking to.

"Yes, you crashed on my precious baby leg." Ungol niya.

Tumingin naman ako kung saan siya nakahawak at nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

Syet

"A-Anong gusto mo? I-Ice?" Kinabahan kong tanong.

Perfectly Strangers | KaoRhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon