Chapter 35

235 10 5
                                    

Kaori's POV

"I like you."

Yan ang mga salitang hindi ko talaga inaakala na marinig mula kay Rhys.

Si Rhys Miguel Eugenio, ang anak ng Chancellor, ang pinakamatalino at pinagkakaguluhan ng mga babae sa buong campus ay may gusto sa akin.

MAY GUSTO SIYA SA AKIN!

Wait self, paano kumalma?

"Kaori, are you okay?" Dinig kong tinanong niya ako pero tameme parin ako kasi hindi ko alam kung paano magreact sa sinabi niya.

Ano bang dapat kong sabihin? Thank you? Tanga.

Huy! Umayos ka! Papalapit na siya sa'yo. Kumilos ka!

"Kaori, it's okay. You don't need to respond anything. I just let you know how I feel for you." Sabi niya at hinila niya ang upuan kung saan ako uupo.

Umupo naman ako at tahimik na tiningnan ang flower vase sa lamesa. "Sigurado ka ba sa sinabi mo?" Derektang tanong ko.

"Yes." He plainly replied.

"T-Teka ha, hindi pa kasi nasi-synced in sakin eh. Para kasing di kapani-paniwala eh." Sabi ko na halatang may halong kaba sa boses ko.

He tilted his head na parang sinusubukan akong intindihin. "You want proof?" Nanlaki ang mga mata ko nang tumayo siya sa upuan niya at lumapit ito sa akin.

"A-Ah okay na pala! Pumasok na sa s-sistema ko 'yung sinabi mo." Tarantang sambit ko naman at pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa harapan niya para matigil sa kung ano man ang gagawin niya sa akin.

Ngumiti naman siya at pinisil ang pisngi ko. "You're cute when you're nervous." Aniya.

Shet! Ba't ba nagpapapogi ka sa harapan ko?! Ang unfair! Hindi kumakalma ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang ang labas tuloy, ako ang nagtapat ng feelings sa kanya. Ano ba?!

"K-Kumain na nga tayo." Sabi ko na kabado parin ang tinig. Samantalang siya ay patawa tawa at sobrang chill lang na parang wala lang sa kanya ang pagconfess niya sa akin.

Nakakainis! Feeling ko tuloy naisahan niya ako dun. Tss!

Habang tahimik kaming kumakain dito sa balcony niya, hindi parin nawawala sa isipan ko at patuloy parin sa kakatanong na kung ano ang nagustuhan niya sa akin.

"What's on your mind, dumb-dumb?" Halos napatalon ako nang bigla niya akong tanungin habang hinihiwa niya ang steak sa kanyang plato.

"Ah... a-ano kasi. Gusto ko lang malaman na... k-kung ano ba ang nagustuhan mo sa'kin? Maraming mas maganda, mayaman at matalino diyan. Bakit ako?" Nakahinga narin ng maluwag sawakas nang naituwid ko ang tanong iyon.

Tumigil naman siya sa pagmuya ng pagkain at inilapag ang hawak niyang pinggan sa mesa. "Bakit ang manhid mo?" Tanong niya.

"Tama bang sagutin mo ko ng tanong pabalik?" Inis na tanong ko?

"Just answer my question."

"I asked first kaya ikaw dapat ang unang sumagot. Huwag kang tuod!" Nakakainis! Wala ba kaming paguusap na hindi nagbabangayan?

Perfectly Strangers | KaoRhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon