Kaori's POV
Nandito kami ngayon sa cafe kung saan ililibre kami ni Dalia ng milktea at cake.
Namimiss ko na si Goose, 'yung pusa ni Andrea. Everyday narin kasi ako tumatambay doon after class. Pero ayoko na muna don pumunta. Baka mamaya inaabangan ako doon ni sungit para papagalitan sa pagsuway ko sa kanya.
"Huy!" Panggugulat sakin ni Belle. "Okay ka lang?" Tanong nito sa akin.
"Okay lang." Sagot ko.
"Ano ba kasi talaga nangyari doon sa gym nung umalis kami ni Dalia?"
"Bukod sa muntikan na akong mabugbog doon ng Achi na iyon, wala naman."
"Hindi ba talaga dumating 'yung dean sa gym?" Pagtataka ni Belle.
"Hindi eh. Wala ngang kahit ni isang teacher na umeksena doon." Sagot ko.
"Eto na ang order!" Masayang sambit ni Dalia.
"Ewan ko ba dito sa best friend ko. Siya 'yung napuruhan pero parang ikaw 'yung natrauma sa inyong dalawa." Sambit ni Belle.
"Grabe ka sa trauma. Di ba pwedeng may iniisip lang?" Panuwari ko.
"Eh ano ba kasing nasa isip mo na yan?" Tanong naman ni Dalia.
"Sandale! Hina-hot seat niyo naman ako dito eh." Sambit ko.
Bago ako bitaw ng palusot, biglang nagring 'yung phone ko. "Teka lang ah." Sabi ko. Yes! Saved by the bell.
Nakita kong si Rhys ang tumatawag kaya mas kinabahan ako.
Naku naman eh! Bakit siya pa?!
Wala akong choice kundi ang sagutin ito. "Where are you?" Wala ng intro intro, tanong agad ang narinig ko mula sa kanya.
"Ah... eh, nasa Cafe, kasama ko 'yung mga kaibigan ko." Kabadong sagot ko.
"I can see that." Nagulat ako sa sinabi niya, kaya lumingon lingon ako sa kapaligiran para hanapin siya. "You know you like an idiot when you do that."
"Hoy ikaw! Bored ka ba huh kaya ako nalang parati 'yung pinagtitripan mo? At isa pa, bakit mo pa ako tinawagan kung alam mo kung asan ako?" Inis na tanong ko.
"Just to make sure you're telling the truth." Natahimik naman ako sa sinabi niya. "Huwag kang magtagal diyan."
"At bakit naman?"
"Don't tell me you totally forgot about the party." Anong party? "Just as I thought. Didn't Tita Rachel told you?" Tanong niya.
"Ngayon pala 'yun?!" Gulat na tanong ko.
"After you spend time with your friends, call your driver and tell him to go at Euphoria Mall." Sabi niya binabaan niya ako agad. Ang bossy talaga kahit kailan. Nakakainis!
"Oh! Napano ka? Bakit ganyan mukha mo?" Tanong ni Belle sakin.
"Wala, kain na tayo." Sagot ko na may ngiting pilit sa aking mga labi. "Oh Dalia ah, dapat mag-aral na." Nilipat ko ang topic kay Dalia. Mahirap na, baka magtanong na naman ang dalawang to.

BINABASA MO ANG
Perfectly Strangers | KaoRhys
FanfictionA story of a girl named Kaori Oinuma who wants to meet her father for a long time. But in the middle of her journey, she bumps into this mysterious guy who owns the house where she will stay in for a while. What will happen when two perfect stranger...