Kaori's POV
Papunta na ako ngayon kina Jelay at Karina sa cafeteria nang makita ko sina Andrea, Francine at Ashley sa quadrangle. Ang araw lang ba to o sadyang nakakasilaw ang tatlong magagandang bata na to? Naalala ko 'yung mga panahong kasing edad ko pa lang sila, mukhang patatas pa ako non eh. Minsan talaga nakakatampo si Lord. Chour.
"Hey step sis." Bati sakin ni Andrea. "Have you seen my brother around?" Tanong nito.
"Ah, nandoon sa exclusive library." Sagot ko.
"See? I told you she knows." Sambit ng nakababatang kapatid ni Vince na si Ashley.
"Fine, you won." Sagot ni Andrea habang binigyan ito ng pera.
Teka, pinapustahan ba ako ng mga batang ito?
"Hello ate. Dito ka rin ba nag-aaral?" Tanong Francine.
"Ah, oo. Ikaw rin?"
"Duh? Obvi naman eh nagtatanungan pa kayo. And how are you two acting so close to each other?" Ani Andrea.
"Why the sudden interest though?" Biglang tanong ni Ashley sa kanya. "And isa pa, di naman mahirap kaibiganin yung soon to be step sister mo. She's kind kaya. You just can't see it, maybe because--" Andrea interrupted Ashley from talking by saying, "Si Francine ka girl? Tara na nga. I'll guess we'll see you around, Kaori." Di ko alam kung ganun na talaga expression niya or tinatarayan talaga ako ng kapatid ni Rhys?
Magkapatid nga sila, parehong bipolar. Minsan mabait, minsan masungit.
"At saan ka na naman nagsususot at huli ka na namang dumating dito sa canteen? Nagcommute ka ba mula college building papunta dito?" Pagtataray ni Jelay sakin. Ano pang bago dito sa kaibigan kong to?
"Kalma, nakadikit ba bituka mo sa tiyan ko para di ka makakain ng wala ako?" Sarkastikong ani ko habang paupo sa table nila. Kasama na niya sina Karina at kapatid niyang si Seth na may kasamang binatilyo na sa palagay ko ay kaklase niya. Parang familiar tong lalaking to. Parang nakita ko na siya somewhere.
"Oh siya, order na tayo ng food. Nagugutom narin ako eh. Ikaw lang talaga yung hinihintay namin." Sambit ni Karina.
"Kaori--"
"Oh! Ayan ka na naman. Ate Kaori nga!"
"Anong nangyari diyan sa tuhod mo?" Di naman nakinig sakin si Seth at patuloy siya sa pagtanong tungkol sa tuhod ko.
"A-ah ano... nadapa ako kanina kaya nga natagalan ako kasi dumaan akong clinic para gamutin nga to." Pagdadhilan ko.
"Lampa ka talaga kahit kailan." Kumento ng pinakamabait kong kaibigan na si Jelay.
"Wow friend! Ang concern mo naman sakin. So sweet. Leche." Sarkastikong ani ko.
"Sa susunod kasi tumitingin ka sa dinadaanan mo, para di ka ma-fall sa maling tao." At tumahimik ang paligid nang humugot na naman ang aming kaibigan na si Karina.
"Utang na loob, Kare. Tigil tigilan mo na yang panghuhugot mo, eh wala ka namang jowa." Pagtataray ni Jelay sa kanya. "Pasensiya na baby boy, ang wiweirdo ng mga kaibigan ko, nakakahiya tuloy sa'yo." Sambit naman ni Jelay sa lalaking kasama ng kanyang kapatid.
BINABASA MO ANG
Perfectly Strangers | KaoRhys
FanfictionA story of a girl named Kaori Oinuma who wants to meet her father for a long time. But in the middle of her journey, she bumps into this mysterious guy who owns the house where she will stay in for a while. What will happen when two perfect stranger...