Kaori's POV
Naglalakad kami ngayon papuntang bus stop pabalik Hachioji, mahaba habang byahe na naman. Di ko alam kung paano magbukas ng panibagong usapin pagkatapos namin magmoment sa ulan kanina. Ang awkward masyado. Kaya pinili ko nalang na maging tahimik muna. Wala din kasi ako sa mood magkwento eh. Malungkot parin ako sa nangyari.
Di kalaunan sa aming paglalakad, napapansin kong biglang dumami ang mga tao na naglalakad na may nakasuot na yukata. Yun din pala ay nadaanan namin ang lugar kung saan parang may festival.
"Festival!" Napasigaw ako sa excitement.
"You wanna go to a detour?" Tanong sakin ni Rhys at lumiwanag ang aking mukha. Di ako makapaniwalang di siya KJ ngayon!
"You're lucky it's the time of the year. Let's go grab some food. I'm hungry anyways." Sabi niya.
Naglakad na kami patungong entrance ng festival. OH MY GAAAAHD! Japanese Festival is reaaaaal! Sa anime ko lang to nakikita eh.
Nakanganga lang ako tge whole time sa pagkamangha. Feeling ko nasa live action ako ng mga shoujo manga na nababasa ko online.
"Ang ganda." Halos maluha luha ako sa ganda ng kapaligiran na nakikita ko. Yung mga ilaw, amoy ng mga pagkain, ang mga ngiti ng mga tao, lahat ng ito ay parang isang panaginip lang.
"May fireworks display din ba?" Tanong ko.
"You will not call it a festival if there's no fireworks display." Sagot niya.
"So meron nga!!!" Tili ko. Di ko mapigilan ang kilig ko sa lugar na to.
"But I think we're not here anymore by then. The fireworks display will start at 7PM. And we're not gonna wait that much longer." Paliwananag niya.
"Ayy! Ganun ba?" Bigla akong nanlumo.
"Don't give me that face dumb-dumb. We need to go home early." Sabi niya.
"Okay." Pagsangayon ko. Di ko dapat siya kinukulit. Ang dami na niyang tulong sakin. Di ko dapat abusuhin, baka ma-forced evict ako sa bahay ni kuya. Mahirap na.
Pumasok kami sa isang ramen house at umorder ng pagkain. OH MY GAAAHD! Finally! Matitikman ko na ang ramen na paborito ni Narutoooo!
Hindi ko man makita pero alam kong namumula ang mga pisngi ko nang nilapag na ng waiter ang bowl of ramen. Naging hugis puso ang aking mga mata nang makita ko ang ramen na matagal ko ng gustong tikman. Nagpractice talaga akong magchopstick para lang dito. Sa moment na ito.
"Ang sarap!" Ito lang ang nasabi ko pagtikim ko ng ramen.
"You do really eat it with gusto." Natatawang sabi ni sungitisoy.
"Ano?"
"I just noticed that there's really an odd reaction you're giving everytime you're eating. It's like you're in a commercial or something." Sabi niya.
"Ganun kasi dapat. May appreciation ka sa pagkain. Ano tawag non... ano nga ulit ang tawag non?" Sabi ko habang nagiisip.
"Gluttony?" Sarkastikong sabi niya.

BINABASA MO ANG
Perfectly Strangers | KaoRhys
FanfictionA story of a girl named Kaori Oinuma who wants to meet her father for a long time. But in the middle of her journey, she bumps into this mysterious guy who owns the house where she will stay in for a while. What will happen when two perfect stranger...