Chapter 16

295 11 2
                                    

Kaori's POV

Ang dami ng tao at estudyante na dala ang gulong ito. Any moment magsusuntukan na ang dalawang lalaking nasa harap namin.

"Achi!" Narinig kong may sumigaw sa likod. Lumingon kami at may nakita kaming isa pang lalaki na nakatingin sa amin.

"You better stay out of it, Aljon." Sambit ng lalaking bully.

"Hindi pa nga nagsisimula ang klase, gumagawa ka na agad ng gulo. Itigil mo na to. Nandito ang Chancellor ngayon." Sabi nito. Kaya binitawan ng bully ang kwelyo ng lalaking nakaputi.

"I'll let you go this time. Next time you stepped on my feet, you're dead meat." Pagbanta niya sa amin sabay binangga niya ang balikat ng lalaking nakaputi at nagwalk out. Napatingin naman ako sa lalaking kulot na nakaputi. Bigla niya akong ningitian kaya't umiwas ako ng tingin.

"Pasensiya na kayo sa kanya. Ayos lang kayo? Wala bang nasaktan?" Tanong ng lalaki na nangangalang Aljon.

"Pakidala nalang siya sa clinic. Dumudugo kasi ilong niya. Salamat ah." Sabi ni Karina at pareho nilang inalalayan ang sugatan na lalaki.

"Ako pala si Aljon." Pagpapakilala niya.

"Nice to meet you, Aljon. Ako si Karina. Eto naman sina Jelay at Kaori." Ani Karina. "At si...asan na yung lalaking tumulong sa atin?" Tanong niya.

Hinanap namin ngunit wala na siya. Mukhang umalis ng walang paalam.

"Ganito ba parati dito?" Tanong ni Jelay.

"Ganun talaga yun si Achilles. Hindi macontrol pag galit. Pero mabait naman yun." Pagdadahilan ni Aljon.

"Iyon? Mabait?! So kakabahan naba kami kung may nakilala kaming masama dito?" Sarkastikong tanong ni Jelay.

"Mabait yun, noon." Sagot ni Aljon.

"Now I believe that people do change." Komento ni Karina.

"Ang tanong, bakit hinahayaan niyo ang ganun klaseng pangyayari?" Tanong ko sa kanya.

"Cookie?" Rinig naming sambit ng babae at lumapit ito sa amin.

"Reign. I'm sorry I can't go with you. May nangyari kasi." Sambit ni Aljon sa babae.

"Don't tell me you're cancelling our date just to be with them?!" Galit na tanong niya.

"No it's like that. Tinawagan din ako ni Dean kasi may pinapagawa pa siya sakin."

"Let Gabby do that. Why are you always doing all of these stuff?" Sabi ng babae.

"Babe, as the President of the student council, I'm oblige to do so." Sambit ni Aljon.

"Ayy, may jowa na pala. Atras na Karina." Narinig kong bulong ni Jelay.

"Ah girls, si Reign nga pala, girlfriend ko." Pinakilala niya kami sa babaeng nangangalang Reign. "Reign this is Ka--"

"Look I have to go. I'll call you later nalang. I got my eyes on you." Sabi niya habang inarapan kaming tatlo at nagwalk out. Ako lang ba o para samin talaga yung huling sinabi niya?

"Friendly ng girlfriend mo no? Halatang mabait din." Sarkastikong sabi ni Jelay.

"Mauna na kami, Aljon. Mageenroll pa kasi kami eh." Pagpaalam ko kay Aljon.

"Ah, mga late enrollees pala kayo. Deretso kayo sa registrar. Medyo bilisan niyo. Half day lang kasi ang office hours ngayon." Sabi niya kaya nagmadali kaming pumunta sa registrar's office para makapagenroll na.

Perfectly Strangers | KaoRhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon