Chapter I
Dominic"Anak kailan ka ba uuwi? Almost 3 years ka na diyan ah. We really miss you na 'nak." Tanong ni mommy
Mabuti nalang at wala akong masyadong ginagawa ngayon dito sa opisina dahil tapos ko na ang monthly financial report ng kompanya kaya heto at nasagot ko ang video call ni mommy. Ang laki ng pinagbago niya. Kung dati ay straight ang mahabang buhok niya, ngayon ay naisipan niyang ipakulot at ipakulay ito na mas lalong nagpabata sa itsura niya.
Sumimsim muna ako ng kape bago sumagot. Balot na balot ako ngayon dito with matching hot drink dahil winter season. "Mom, don't worry, malapit na pong matapos ang contract ko. I'll be home after that." Sabi ko habang tamad na sumandal sa aking upuan.
Narinig kong suminghap si mommy sa kabilang linya. "Buti naman kung ganon dahil kung hindi, kami na mismo ang kakaladkad sa'yo diyan." Seryoso ang pagkakasabi niya nito kaya napaupo ako ng maayos sa aking swivel chair.
Suportado naman nila ako sa pagpunta ko dito kahit ayon sa kanila ay hindi naman na kailangan. Not to brag pero may kaya ang family ko at pinagbigyan lang nila akong magtrabaho dito dahil iyon ang gusto ng kanilang unica hija. Yun nga lang at may kondisyon: dapat 2 years lang ako dito. Anila'y sapat na panahon na daw iyon para sa pag-eenjoy ko sa katuparan ng pangarap ko. I'm an only child kaya naman kahit na 25 na ako ay sobrang protective pa rin nila sa akin. Sabi nila ay mahirap daw na wala sa puder nila ang kaisa-isa nilang anak kaya't heto at kulang na lang ay ipa-deport na nila ako dito sa US.Willing naman akong sundin sila so after my contract, I'll probably be home.
Ngumiti nalang ako. "Ok po mommy. Sige na po, baka mahuli ako ng boss kong nakikipag-video call eh. Love you, bye!" Dali-dali kong pinatay ang tawag. Bigla talaga akong natakot sa tono ng pananalita ni mommy.
Nag-stretching ako. Nakakapagod pa rin pala ang maghapong nakaupo at naghihintay ng utos ng boss mo. Feeling ko tuloy ay automatic akong naggi-gain ng weight dahil sa kawalan ko ng ginagawa.
Natigil ako sa pagsstretching nang may kumatok sa office ko. Sino namang istorbo 'to?
Tumayo ako para buksan ang pinto at tumambad sa'kin ang bihis na bihis na si Dominic. "Good Evening, Via!" Masayang bati niya sa'kin.
Si Dominic ay isang pinoy na engineer dito sa US. Tulad ko, may kaya rin ang family niya pero pinili niyang magtrabaho dito dahil iyon ang pangarap niya.
Nagkakilala kami 3 years ago sa isang wedding ng common friend namin na dito rin sa US nagtatrabaho. Since then, naging sobrang close na kami. He was very manly and kind na iisipin mong ang swerte ng babaeng mapapangasawa niya.
Ni-head to foot ko siya. Naka coat and tie pa siya na mas lalong nagpagwapo sa nilalang na ito. Hindi ko naman itatangging gwapo talaga siya. Siguro ay kagagaling lang sa work. Sabagay ay mag-aalas singko na ng hapon, malapit na rin akong mag-out. "Hmm. Happy?" Tanong ko sa kanya sa isang nang-iintrigang tono.
Ngumisi siya sa'kin. "Uh-huh. Kinukuha ako ng isang malaking company para sa bagong project nila!" Masayang balita niya sa'kin.
"Woaaaah! Congratulations!" Napatalon pa ako sa sobrang saya. Dominic really deserves it dahil sobrang dedicated siya sa job niya. "So, 'di ba 'pag may achievement may celebration dapat?" Pangingikil ko sa kanya.
"That's why I'm here." Lumapit siya sa akin. "Dinner tonight?" Nakangising tanong niya.
"Aww. I'd love to celebrate with you sana, Dominic. Kaso ano eh..." Nagui-guilty ako.
"What?" Ramdam ko ang disappointment sa boses niya.
"Nag-promise kasi ako kay Elliz na magmomovie marathon kami tonight so I...can't really go." Nag-aalangan kong sabi.
Suminghap siya. " I understand." Ngumiti siya sa'kin ngunit mababakas pa rin ang disappointment sa kanyang mukha.
Shet! Nakakakonsensiya naman ito oh! Wrong timing talaga!
"Babawi ako promise!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko. "How about tomorrow?" I smiled.
Umaliwalas ang maamo niyang mukha. "Ok! Promise yan ha?" Nagpa-cute pa ang gago.
"Pangako." Nagtawanan kami.
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...