Chapter XLII
SPACE
"Argo...""Hmm?" Malambing niyang bulong sa aking tainga.
Mag-uumaga na pero kahit pagod ako sa mga nangyari ay hindi ko nagawang makatulog. Sa tingin ko ay ganoon rin siya.
We're in the middle of cuddling. His arms are tightly wrapped around my waist while his hands are firmly resting on my stomach.
"What if hindi ako bumalik ng Pilipinas? Tayo pa rin kaya?" Nilingon ko siya.
This question keeps running on my mind lately. Paano nga kaya?
Iniangat niya ang kanyang mukhang nakabaon sa aking leeg upang maharap ako. Mapupungay na ang kanyang mga mata. "Of course." He said like he's so sure of it.
Kumunot ang aking noo. "How did you say so?"
He kissed my cheek. "I was planning before to follow you in States pero nang malaman kong pinapauwi ka na ng daddy at mommy mo, hinintay na lang kita rito." Nagkibit-balikat siya.
Umamba akong babangon pero agad niya akong hinila at niyakap. "Nagkakausap kayo ni mommy at daddy noon?" Lito kong tanong.
He chuckled. "Uh-hmm. Sila ang hinihingan ko ng update tungkol sa'yo."
I bit my lower lip. "E paano kung 'di ako nag-apply sa kompanya mo, posible pa rin kaya?"
He raised his brow. "That's part of my plan, baby. Kinuntsaba ko si tito at tita na pag-applyin ka sa kompanya ko para mas madali kitang makuha ulit."
My jaw dropped. What did he say?
He laughed at my reaction.
Nang makabawi ako ay hinampas ko siya. "You– alam mo bang halos ma-high blood ako nang nalaman kong sa'yo ako nag-aapply?!"
He laughed sexily again.
Hahampasin ko muli sana siya ngunit nasapo niya iyon. Inilagay niya ang aking kamay sa kanyang dibdib. "That's the only way I know to make it easier for me to get you again."
"I hate you! Akala ko pa man din nakuha ako dahil sa skills ko! Yun pala dahil lang sa plano mo!"
He chuckled. "Shh...mag-uumaga pero inaaway mo pa rin ako. You deserve that position, okay? You're great.Sadyang nangibabaw lang talaga ang pagmamahal ko."
"Then why are you so hard on me during my first days there?" Nangunot muli ang aking noo nang maalala kung gaano siya kasungit sa akin noon na hindi ko aakalaing may ganon siyang plano.
"I know, I'm sorry. I just want to test you if you still love me." Malambing niyang sabi tsaka ibinaon muli ang mukha niya sa aking leeg.
That long night with him enlightened my mind about his love for me. Mula rin noon ay mas naging marami ang oras niya sa akin sa kabila ng pag-aalaga niya kay ate Nicole at pagtatrabaho. Nagi-guilty tuloy ako dahil bunga ito ng pagiging immature ko. I'm that possesive and 'praning' girlfriend. I also felt apologetic for thinking bad thoughts about him before. He always updates me his whereabouts and his activities. He always reminds me that Nicole is just his friend and will only be his friend. Naliwanagan na rin ako doon at humihingi raw si ate Nicole ng tawad sa akin, though hindi pa kami nagkakausap muli sa personal. I became more understanding but not until it's our monthsary.
Argo wants it to celebrate in his condo unit. Aniya'y gusto niyang siya raw ang magluto. Amazing right?
I smiled widely when I went out of my car. Wearing a dress, I confidently entered the elevator. Pagkarating sa tamang floor ay mas lalong lumapad ang aking ngisi. Excitement and joy conquered me. Habang papalapit ako sa kanyang unit ay kumakalabog ng malakas ang aking puso.
I sighed heavily when I'm already in front of his door. Something is really making me nervous about this and I don't know what it is. I can't determine.
Pinihit ko ang door knob and luckily, it wasn't locked.
Dahan-dahan kong sinarado ang pinto pagkapasok ko at tsaka ngiting-ngiti sa likod nito. Isang hakbang ay may narinig akong tawa ng babae.
Agad kumalabog ang puso ko. Naglakad ako patungong kusina dahil doon nanggagaling ang boses.
"Argo, luto na 'to." Masayang sabi ng babae.
Nagtago agad ako sa gilid upang hindi nila ako makita.
Right! Nicole again!
She's wearing an apron while cooking something and Argo is at her back, watching him with all smiles.
Nanlamig ang aking tiyan sa aking nakikita. A tear escaped from my eyes.
Akala ko ba okay na? Why is she here? At...mukhang nagkakatuwaan pa yata habang nagluluto ng para sa dinner namin? O baka naman dinner nila iyon? Argh! It's our monthsary at narito ang babaeng iyan, na alam niya namang patay na patay sa kanya? O baka kaya niya gusto rito na magdinner dahil ganito? At talagang nagpahuli pa talaga sila ha?
Agad kong pinalis ang luhang dumaloy sa aking pisngi at walang anu-ano'y nagmartsa palabas ng unit niya. Malakas kong isinara ang pintuan at wala akong pakielam kung malaman nilang ako iyon. Magsama kayo!
At kung minamalas nga nama'y wala akong dalang sasakyan dahil inaasahan kong siya ang maghahatid sa akin pauwi or doon ako matutulog– fuck! Siguro ay mas mabuti na rin iyon dahil sa galit ko ngayon, manginginig lamang ang aking mga kamay sa manibela at baka kung ano pang mangyari sa akin.
Pumara ako ng taxi.
"Saan ka po miss?"
"Sa airport po kuya."
Yes, my decisions right now are surely too impulsive. I can't think straight. Ang alam ko lang ay gusto kong takasan muna ang problema, ang sakit, ang lahat-lahat. I need time, I need space to think dahil kung kakausapin ko ngayon si Argo ay paniguradong hindi magiging maganda ang mga desisyon ko. Not that I understand what he did but I need to prepare myself first and leaving is the only thing that can make me feel comfortable now.
Kinuha ko ang phone ko at ni-dial ang numero ni Elliz. Buti na lang at sa pangalawang ring ay sinagot niya na ito.
"Yes, how's the date? Hmm?" Masayang bungad niya.
Napapikit ako sa naramdaman kong sakit.
"Uhm, Elliz can you do me a favor?" Pinilit kong huwag manginig ang boses ko.
"Yes, sis, ano yon?"
"D-diba may friend ka sa booking department ng NAIA?"
"Oh! Yes, yes! Bakit, honeymoon?" Humagalpak siya sa tawa.
Damn, Elliz! Kung alam mo lang!
"No, no. Can you contact your friend right now? Kukuha sana ako ng ticket papuntang US, yung flight na ngayon na mismo." Seryoso kong sabi.
Natigilan siya sa kabilang linya.
Ilang sandali ay humagalpak na naman siya sa tawa. "Ang bilis naman yata niyan, sis! Ganyan na ba kayo ka-atat ni Argo, hmm?" Kantyaw niya.
Napapikit ako ng mariin.
"Joke lang! Sige I'll call him now. Dalawang tickets right?"
"Isa lang, Elliz. Para sa akin."
"What?! B-bakit? Via, may nangyari ba?" Nahimigan ko ang pagkakataranta sa kanyang boses.
"Wala Elliz." I tried to act normal but my voice broke down.
"No! Hindi ko siya tatawagan hangga't hindi mo sinasabi!" Pahisterya niyang sabi.
"Please, please, Elliz. I-eexplain ko sa'yo kapag kaya ko na. Sa ngayon..."
Napakagat ako ng labi."Oh my gosh, Via! Ano to?! Please think about this! Huwag kang magpaliguy-ligoy!"
"I know. Basta please, I just need time, Elliz."
She sighed heavily. "Fine. Basta don't forget to call me when you're already there! My gosh, Via! Tatanda ako ng maaga dahil sa iyo!"
I smiled. "Thank you, Elliz."
A/N:
1 chapter to go! Thank you for bearing with my slow updates <3
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...