Chapter III

711 34 6
                                    

Chapter III
It's him

Nakakabagot ang biyahe. Kung may mas mabilis pa sa eroplano pauwi ng Pilipinas ay sinunggaban ko na kahit pa mapagastos ako ng malaki. Buti nalang at may mga stopovers sa iba't ibang mga bansa kaya medyo naaaliw ako. Nasa isip ko na lang na nakakatapak ako sa mga teritoryo kahit sa airport lang nila. Matapos ang halos 15 hours na biyahe ay sa wakas, naglanding na ang eroplano sa final na destination nito.

"Thanks for having us, ma'am. Hope you enjoyed your trip." Masayang sabi nung flight attendant nang papalabas na ako ng eroplano.

Finally!

Naglakad na ako palabas ng NAIA at nakita ko ang isang pamilyar na mukha sa akin.

"Ma'am Via! Welcome back po!" Masaya at excited na bati ni Mang Eddie sa akin, ang long-time family driver namin.

Medyo na-disappoint ako dahil sa pag-aakalang sila mommy ang susundo sa akin dito sa airport ngayon but I understand na busy sila sa work. "Mang Eddie! Kumusta na? Bumabata tayo ah?" Pambungad ko sa kanya.

"Eto ma'am, pogi pa rin hehe" Bolero talaga itong si Mang Eddie.

"Akin na po iyang mga gamit niyo at ilalagay ko na sa sasakyan." Sabi niya sabay kuha sa mga gamit ko.

"Salamat Mang Eddie!"

Hindi na niya narinig ang sinabi ko dahil mabilis na siyang naglakad palabas.

Paglabas ko ng airport ay nalasap ko agad ang hangin na na-miss ko. Well, hindi naman siya sariwa pero masasabi kong iba ang hangin sa US at Pilipinas. May ganun? Inilibot ko ang aking paningin sa aking paligid at nakita ko ang sigla at ganda ng bansang pinagmulan ko. Ugh, I missed this. Nandito na talaga ako sa Pilipinas.

I'm home. Welcome back to the Philippines, self.

Matagal bago ako nakarating sa bahay dahil sa traffic. Gayunpaman ay hindi ako nainip dahil nawili ako sa mga nakita ko sa aking paligid. Sobrang sigla ng mga tao. Umaga palang ay madami ng street vendors. Parang bago muli sa aking paningin ang ganitong eksena dahil sa US dati ay wala kang makikitang ganito.

Pagkarating ng sasakyan sa gate ng aming bahay ay napangiti ako. Ang laki ng pinagbago ng bahay. Newly rennovated ito kaya mas lalong na-emphasize ang kagandahan nito.
Malago na rin ang mga bulaklak sa aming flower garden na madadaanan papunta ng bahay. It will be more relaxing here, I guess.

Nang nag-park ang sasakyan sa harap ng bahay ay dali-dali akong bumaba doon at halos takbuhin ko na ang loob ng bahay para makita ang pinagbago nito.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang malakas na pagputok ng mga party poppers na kagagawan ng mga pinsan ko.

"Surprise!" Sabay-sabay na bati ng mga tao doon sa loob ng bahay sa akin.

Naroon silang lahat. Mga pinsan ko, titas at titos, ang aking mga lolo at lola, pati ang mga kapitbahay namin at siyempre, ang aking mommy at daddy.

Napatakip ako sa aking bibig at may luhang tumakas mula sa aking mga mata. "OMG THANK YOUUUU!" Basag na ang boses ko.

"Welcome back, my princess." Niyakap ako ni daddy ng mahigpit. I missed my dad so much!

"Awww. I missed you dad!" Marami ng pumatak na luha mula sa aking mga mata.

Lumapit na din si mommy sa amin. "Anak, we're so sorry kung hindi kami ang sumundo sa'yo sa airport. We planned kasi na i-surprise ka kaya ayun..." Explanation ni mommy.

Niyakap ko si mommy. "It's fine mom. Na-appreciate ko nga 'tong surprise niyo eh."

"Oh siya siya. Tama na ang drama. Kumain na tayo at gutom na tayong lahat for sure." Pabirong sabi ng isa kong tita.

"Buti naman at naisipan mo ng umuwi, Via." Sabi ng isa kong pinsan habang nilalantakan ang fried chicken sa kanyang plato.

"Magagalit na si mommy at daddy kapag pa ako umuwi eh." Nakangisi kong sagot.

Umupo si mommy sa tabi ko. Nasa couch kami ngayon. "Talagang magagalit na kami 'pag 'di ka pa umuwi ano. Unica hija ka namin tapos malayo ka pa sa amin? No way anak." Nakangiting sabi ni mommy.

Ngumisi ako. "I know, ma. Kaya nga nandito na po ako eh."

Nagtawanan kami. Na-miss ko ang bonding namin ni mommy. Tama ang desisyon kong umuwi. Pero, na-mimiss ko naman ang US, lalo na si Elliz at si Dominic. Hay buhay, kailangan ba talagang may isinasacrifice na isa? Why can't I have both?

"Ngayong nandito ka na Via, ano na ang plano mo?" Tanong ulit ng pinsan ko.

Ano nga ba?

"Ewan ko? Baka mag-aapply ako ng trabaho next week." Tugon ko habang kumakain ng pasta.

"Anak why don't you just rest for at least two months? Hindi mo naman kailangang magtrabaho agad eh." Sabi ni mommy.

Hinarap ko si mommy. "My, mababaliw lang po ako kapag nandito ako sa bahay. Please let mo work." Nagpuppy eyes pa ako para damang-dama.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni mommy."Ok fine. If that's what you want. Tutal ay nasa puder ka na naman namin ulit, 'di ka na namin pipigilan."

Abot-tengang ngiti ang pinakawalan ko. "Thanks Mom!"

Pagkaalis ng mga bisita ay agad akong pumunta sa aking kwarto at nahiga. Sa sobrang pagod ay hindi ko na namalayan na tuloy-tuloy na akong nakatulog hanggang sa umaga na naman pala.

Tama ang impression kong hindi boring sa bahay dahil sa maraming nagbago dito. Halos mabali na nga ang leeg ko sa kakatitig sa mga bagong interior designs sa bahay. Naisipan kong maupo muna sa malambot naming couch at manood ng palabas sa TV.

"As a successful businessman, who is your inspiration sa matagumpay mong career ngayon in the business world?" Tanong ng host sa TV.

Nang ni-move ang camera sa iniinterview ay nabilaukan ako sa kinakain kong brownies.

"My family of course. They always motivate and inspire me to strive harder..."

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at sinampal ang sarili. Nananaginip ba ako? Tiningnan kong muli ang tv at talagang siya nga iyon.

It's him. The man I left broken 3 years ago.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon