Chapter XVIII
No"Sir, hindi ka ba kinikilig sa surprise ni Ma'am Nicole?" Nag-eechoss na sabi ni Abby.
Narito na kaming lahat ngayon sa aming table matapos ang 'moment' ni ate Nicole at Argo kanina.
Nag-'ayiee' silang lahat maliban sa akin.
Nasa pinakagilid akong part kaya't hindi nila mapapansin na namumugto ang aking mga mata.
Ininom ko ang alak sa aking shotglass. I don't care kung malasing ako dito ngayon. Ang mahalaga ay mapagmanhid nitong alak na ito ang nadudurog kong puso.
"Tss." Si Argo.
Si gilid ng aking mga mata ay kita ko ang buong pamilya ni Argo na tahimik lang. Marahil ay awkward din para sa kanila na inaasar ang kanilang anak sa harap ng ex niya.
"Ma'am, Sir, umamin nga kayo, kayo na 'no?" Maintrigang tanong ng isa sa aking officemate.
Nagtilian ulit silang lahat. Damn! Why do I need to hear all of these? Sana bumuka na lang 'tong lupa sa kinauupuan ko at lamunin na ako.
"What you see is what you get," Mala-showbiz na sagot ni ate Nicole.
Tumungga ulit ako ng alak. Come on heart, please get numb.
"Ang mysterious naman ng sagot mo ma'am."
Nagsalin ng alak si ate Nicole sa kanyang baso. "Well..." Umamba siyang iinom ng alak pero pinigilan siya ni Argo.
"No alcohol for tonight please." Ani Argo sa isang malambing na boses habang inilalayo kay ate Nicole ang shotglass.
"But-"
Inilagay ni Argo ang kanyang hintuturo sa labi ni ate Nicole.
"I'm the one struggling when you're drunk, Miss Angeles."
Nagtilian ulit silang lahat. Ako naman ay tinungga na ang alak sa mismong bote. Dati ay ako lang ang pinagbabawalan niyang uminom. Stupid Via! Very stupid!
Ilang sandali pa ay tuluyan ng umiikot ang aking paningin. Natamaan na yata talaga ako ng alak. Nakatatlo na akong bote. This is torture!
"Ate Via! Halika na!" Aya ni Abby sa akin nang magpasya na silang lahat na magtungo sa dancefloor upang sumayaw.
"Go on, susunod nalang ako," Pagkukunwari ko dahil wala akong balak magtungo roon. Makikita ko lang ulit sila.
"Okay," Nakangisi niyang sagot tsaka ako iniwang mag-isa roon.
Matapos kaming kumain kanina ay umalis na rin ang pamilya ni Argo dahil may lakad pa raw sila ngayong gabi. They bid goodbye to me too at natahimik ang lahat siguro dahil sa pagtataka ngunit ipinagwalang-bahala rin nila iyon kalaunan dahil hindi kami ang spotlight roon. Sila...ni ate Nicole.
Nagpatuloy ako sa pag-inom habang mag-isa ako sa aming table. Bakit noong reunion nami'y pinagbabawalan niya ako at ngayon hindi? Oh right! May iba na siyang pinagbabawalan and fuck it! Ang sakit!
Tears of pain and agony rolled down my cheeks continously. Parang gripo ito kung tumulo at hirap akong itigil ito. I'm surely a mess right now while they're in the dancefloor having fun, celebrating not only his birthday but maybe also their love for each other. I closed my eyes tightly at that thought but my tears still kept flowing. Damn it! Hindi na ba titigil ito?!
I imagined them intensely dancing there then they'll kiss passionately and later on, they'll get a room. Padabog kong inilapag ang bote ng alak sa table dahil sa aking iniisip.
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomantizmVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...