Chapter XVII

599 22 3
                                    

Chapter XVII
Birthday

Lumipas ang ilang mga buwan na naging maayos na ang pakikitungo namin sa isa't isa ni Argo pero talagang may gap na na hindi na mapupunan pa. Ang aming pag-uusap ay hindi na tulad ng dati na sobrang intimate. About sa work lamang ang aming napag-uusapan. Kung sabagay, ano nga ba naman kasi ang dapat naming pag-usapan. Though minsan, gusto kong pag-usapan namin ang tungkol sa amin noon para na rin sa closure siguro pero hindi ko kayang gawin.

Nag-usap kami ni Kevin minsan at inamin niya sa akin na nagustuhan  niya ako simula pa lamang nang una niya akong makita. But, he learned   that I was his cousin's girl before. Sabi niya ay nirerespeto niya ang aming naging relasyon dati kaya't he stepped back.

Ayoko rin naman siyang i-acknowledge kung saka-sakali dahil sa ganoon ding dahilan. Si ate Nicole naman ay patuloy pa rin sa pagiging sweet kay Argo. Minsan ay parang nasasanay na nga ako pero madalas ay hindi ko maatim na makita silang sweet sa isa't isa.

At least, ok naman ako sa buhay ko. I'm doing great with my job. Minsan nga ay dito nalang naitutuon ang atensiyon ko at hindi ko namamalayan ang paglipas ng panahon. Isang araw, nagising na lang ako na birthday na pala ni Argo.

"Guys, pagdating ni Argo sabay-sabay natin siyang kakantahan ha?" Ani ate Nicole.

Nandito kami sa isang bar ngayon para i-surprise si Argo. Si ate Nicole ang nagplano nito. Kitang-kita ko ang effort niya mula pa lang sa concept ng surprise birthday party hanggang sa mga foods na inihanda niya. Lahat ng nasa office ay present ngayon dito upang sorpresahin ang kanilang boss at isa na ako doon. Yes, just an employee. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na empleyado niya ako kaya kasama ako sa magsusurprise sa kanya o malulungkot dahil isusurprise ko siya ngayon bilang isang empleyado nalang. Part of me is tearing apart while seeing someone else make efforts for my man before but...what can I do? I made this happen and so I must bear with it.

"Guys, paakyat na si Sir!" Na-eexcite na sabi ni Abby.

Nasa second floor kami ngayon ng bar at exclusive lang ito sa amin ngayon.

"Ok ok! Guys let's all settle down now!" Natatarantang sabi ni ate Nicole.

Pumwesto kaming lahat sa isang gilid at ni-off nila ang mga ilaw para hindi agad kami makita ni Argo pagtuntong niya rito.

Ilang minuto ang nakalipas bago bumukas ang ilaw.

"Happy birthday to you, happy birthday to you..." Unti-unting lumapit si Nicole sa kanya dala ang cake na may candles.

Medyo madilim ang silid pero kita ko ang pagkislap ng mga mata ni Argo kay ate Nicole ngayon. Nasa likuran niya sila tita Catherine, tito Emil at si Venice.

"Happy birthday, happy birthday...happy birthday to you!"

Kasabay ng pag-awit namin nito ay bumuhos ang aking mga luha at pati na rin ang aking alaala...

~flashback~

"Ate Via, pumunta ka na sa kusina! Papasok na ng bahay si kuya!" Natatarantang sabi ni Venice sa akin.

Nandito kami ngayon sa bahay nina Argo. 16th birthday niya ngayon at ngayon ko napagdesisyunang sagutin na siya. He's been courting me for three months now and I've already tested his love for me. I'm sure thst this is the right time for me to return his love for me.

Nililigawan niya palang ako ay ipinakilala na niya ako sa halos buong angkan niya. Mabait silang lahat kaya naman heto at madali ko silang nakapalagayang-loob.

Wala silang alam na sasagutin ko na siya. Ang alam lang nila ay susurpresahin ko siya. Sinabi ko kasi kay Argo kahapon na hindi ako makakapunta. Little did he knew, I will be saying yes to him today. I smiled at that thought.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon