Chapter XV

622 18 5
                                    

Chapter XV
Flirt

Naguusap-uusap naman habang naghihintay ng kani-kaniya naming orders pero hindi ko maiwasang maging awkward or maybe ako lang talaga ang may diperensiya? Kadalasan ay kami lang ang nag-uusap ni ate Nicole at si Argo ay seryoso at tahimik lamang sa kanyang inuupuan.

Magkatabi sila na parang sanay na sanay na nila iyon habang ako'y mag-isa sa harap nila. Amazing right? Para lang ako ngayong wedding organizer na hinaharap ang mga kliyente kong magpapakasal na. I cringed at that thought.

Naiinis na ako dahil ang tagal na dumating ng order para sana ay makalayas na ako. Bawat waiter na dadaan ay tinitingnan ko kung dala na nila ang order ko pero wala. Feeling ko ay hindi na ako makakatagal dito. Konti nalang at lalayasan ko na ang order ko at mag-iisip ng kung ano-anong palusot. Ito na ang pinakamabagal na oras ng buhay ko.

"Guys, mauna na ako. Something came up sa work eh," Si ate Nicole habang nagre-ready nang tumayo matapos niyang sagutin ang tumawag sa kanya kanina.

Sa aming pag-uusap kanina ay nalaman kong isa na siyang model ngayon ng isang sikat na clothing brand. Bagay nga sa kanya iyon dahil sexy siya at maganda. She has the beauty and the perfect curves. Well, I also have curves but, nevermind.

"Ha? Hindi pa dumadating yung order natin ah." Ani Argo na siyang nagpasakit sa aking damdamin.

Mukha talaga akong chaperone.

"I'm really sorry, Argo. My manager called me. This is urgent. I really need to go." Malungkot ang boses niya.

Bumuntong-hininga si Argo. Ako naman ay mukhang outcast sa kanilang eksena. Tamang scroll-scroll nalang ng facebook para hindi magmukhang out of place.

"Nandiyan naman si Via eh! You can eat together instead!" Masaya niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko. "Naku ate, hindi pwede! Hinihintay na ako ni mommy!" Mariing sabi ko.

What the hell? You've got to be kidding me! Sasaluhin ko pa talaga ang date nilang naudlot ganon? Ano ako, substitute?

"Saglit lang naman kayong kakain, Via. Besides, siguro ay medyo matagal pang dumating 'yong order mo." Nakangiti niyang tugon, tila nagsusumamo ang kanyang tinig.

Narinig kong bumuntong-hininga si Argo. "Ok fine. Take care." Ani Argo at hinalikan sa pisngi si ate Nicole.

Shit! Why do I need to see this thing?

Nag-iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. An excruciating pain vanquished me.

"I'll go now. Bye guys!" Ani ate Nicole at umalis na.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa shop. I gathered all my courage to face the man in front of me but I just got uncomfortable that I needed to look away.

"S-sige. Alis na din ako." Naiilang na sabi ko, hindi makatingin sa kanya.

Uuwi na din ako. For sure ay ayaw din akong makasama ni Argo.

"You're leaving me too?"

Tila uminit ang puso ko.

Bakit parang iba ang dating ng tanong niya sa'kin?

Gulat akong napatingin sa kanya. "H-ha?"

"So iiwan niyo ako ditong dalawa na mag-isang kumakain?"

Napalunok ako. Is he making me feel guilty?

"U-uhm..."

"Iniiwasan mo ba ako?"

Nanlaki ang mga mata ko. "H-hindi ah!"

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon