Chapter XXIII

665 20 2
                                    

Chapter XXIII
Go together

Sabay kaming nag-out sa work ni Abby at pagkalabas namin ng building ay bumungad sa akin ang nakapamulsa at mapormang-maporma na si Dominic na nakasandal sa kanyang sasakyan.

"Oops, andyan na si manliligaw. Una na 'ko bago pa ako maging third wheel." Nang-eechoss na sabi ni Abby at saka naglakad palayo sa akin.

Inirapan ko na lang siya.

"Hey, let's go?" Anyaya ni Dominic na hindi ko namalayang lumapit na pala sa akin.

"Uhm, may usapan ba tayo?" Curious kong tanong.

Ngumiti siya. "Wala naman. I just want to make sure na makakauwi kang safe kaya sinusundo kita."  His brows shot up.

"Sus. Ang lapit lapit lang naman ng bahay, e. Walang masamang mangyayari sa akin diyan. You don't have to do this," Sinsero kong sabi.

Ayoko rin namang isipin niyang itinataboy ko siya or what. I just don't want to mess up with his schedule.

Namungay ang mga mata niya. "But I want to, Via. And please don't stop me 'cause I don't think I can."

Nakaramdam ako ng kakaiba sa kanyang sinabi ngunit ayokong bigyan ito ng malisya. Dominic is my friend and I know he also thinks of me as a friend. Yes, that's all.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "T-tara na nga." Nauutal kong sabi saka mabilis na pumasok sa front seat ng kanyang sasakyan para matakasan ang moment na iyon.

Hooh!

Agad din siyang sumunod sa akin.

"May gagawin ka ba sa sunday?" Tanong niya sa kalagitnaan ng kanyang pagmamaneho.

"Wala naman. Bakit?" Mabilis kong sagot.

"Remeber that you owe me a dinner."

"Ay oo nga pala!" Napahilamos ako sa aking mukha.

Sa totoo lang ay muntikan ko na iyong makalimutan. Buti na lang at pinaalala niya.

"So...siguro naman kung aayain kita this sunday na lumabas, 'di mo na ako iindian?" Tanong niyang nagpayabong pa ng guilt ko.

"Hala grabe ka naman. Nagkakataon lang namang busy ako sa mga araw na inaaya mo ko eh." Pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Tss. So ano, game ka?"

"Game na game!" Walang pag-aalinlangan kong sagot.

I'll really make up to this man.

»•«

Nang sumunod na araw ay nagkaroon ng emergency meeting ang lahat ng employees. Nang ako na ang nagsasalita sa harapan ay nakaramdam ako ng hilo kaya't napahawak ako sa mahabang table. Ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa aking noo.

"Via ok ka lang?" Rinig kong tanong ni Abby.

Hindi na ako nakasagot dahil sa sobrang hilo. Marahil ay dahil ito sa sunod-sunod kong pagpupuyat kaya't nakukulangan na ako ng tulog pati na rin ng lakas.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong may humawak sa aking baywang ng mahigpit na siyang ikinagulat ko. "Are you okay?" Cold ngunit bakas ang pag-aalala sa boses ni Argo.

Libo-libong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko nang napagtantong siya nag humahawak sa aking baywang. Ang aking hilo ay mas lalo pang lumala dahil sa ginawa niya.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon