Chapter XXII
I am out"Huh?"
Galing sa pagtingin niya sa mga pagkaing nakahain sa mesa ay nilingon niya ako gamit ang mga seryoso niyang mata."I said sit down."
Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
"It's already 8 pm. You need to eat."
Napaawang ang bibig ko. "Pinatawag mo ako dahil lang diyan?"
I cannot believe it! Gusto niya yata talaga akong umabot ng umaga rito, huh? Kung kakain pa ako'y mas lalo lang akong matatagalan!
"Oo. Anong problema doon?" Siya naman ngayon ang napakunot-noo.
"Ang dami ko pang gagawin! Matatagalan lang ako kapag kakain pa ako!" Iritado kong sabi.
His jaw clenched. "Hindi dahil marami kang ginagawa ay hindi ka na kakain. Now, sit down and eat." Mariin niyang sabi.
"Paano kung ayoko?" Panghahamon ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Nasa puder kita kaya susundin mo lahat ng iuutos ko. I am your boss and I command you to stop what you're doing and eat first. You don't have a choice but to follow it. " Aniya sa matigas na ingles.
Napalunok ako sa kanyang sinabi at may kung anong nagtulak sa akin para umupo sa upuang nasa harap niya.
Nakakainis na porket nakatataas siya sa akin ay kayang-kaya niya akong kontrolin. He uses his power to make me follow him and I hate that I can't do anything about it. I'm merely just his employee.
Walang nagsasalita sa amin habang kumakain. I am mad at him and at the same time, conscious. Here we are again, so close to each other like nothing happened few weeks ago. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para saluhan siya kanina sa pagkain. Siguro ay dahil na rin sa sobrang gutom.
"Kumusta na iyong ginagawa mo?" Pambabasag niya sa katahimikan.
"Almost done," Walang gana kong sabi nang hindi siya nililingon.
"You need to finish it until tomorrow morning."
Paulit-ulit?
I rolled my eyes secretly. "I know."
Tumahimik muli nang ilang saglit nang nagtanong na naman siya.
"How's tito and tita?" Tanong niyang ikinagulat ko.
Why would he ask about my parents all of a sudden? Maybe dahil close sila dati? Siguro nga.
"T-they're fine. Still the same, both workaholic."
"Then nagmana ka sa kanila."
"What?" Kunot-noo kong tanong.
"Workaholic."
"I won't be a workaholic if you're not giving me too much work."
Oops!
Napapikit ako dahil sa sinabi ko.
Ang buong akala ko ay magagalit siya pero nagulat ako nang narinig ko siyang tumawa ng pagkalakas-lakas.
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...