Chapter XXI
DateKinaumagahan pagpasok ko sa aking opisina ay nagulat ako nang nagkukumpulan ang ilan sa aking mga officemate sa aking desk.
"Good morning Ms. Peralta!" Sabay- sabay nilang bati sa akin.
My brows shut up. "Anong meron?"
Lahat sila ay nakaharang sa aking desk. Weird.
Pumagilid sila para makita ko ang aking desk na ngayon ay punong-puno ng mga bouquet ng roses.
Namilog ang mga mata ko at napatakip ako sa aking bibig. Where did all these came from?
"Ayieeeeee!" Sabay-sabay at malakas na kantyaw nila kaya't maging ang iba sa aming officemates ay nakiusyoso na sa amin.
Dahan-dahan akong nagtungo sa aking desk. Binuksan ko ang envelope na naroon sa ibabaw ng mga bouquet at nalaman kong si Dominic ang nagpadala ng mga ito.
"Sino nagbigay ate? 'Yun bang naghatid sa'yo dito kahapon?" Singit ni Abby.
"Ayieeeeee!" Sabay-sabay na naman nilang kantyaw.
Napailing na lang ako at napangisi.
"Tss." Iyan lang ang naisagot ko at bumalik ulit sa pagsusuri ng mga roses sa aking desk. Balak pa yatang gawing rose garden ni Dominic itong opisina ko.
"Kung ako may manliligaw na ganyan, ako na mismo ang magyayaya ng kasal!" Sabi ng isa kong officemate.
"Aba eh kung ako si Via, 'oo' na agad ah!" Sabi pa ng isa.
"Ano ba kayo? Syempre dapat pinahihirapan muna ni ate Via yung mga manliligaw niya. Ganda niya kaya," Sabi naman ni Abby.
"E gwapo naman yung nanliligaw e. Nakasalubong ko kanina! Feeling ko suki 'yon ng gym. Ganda ng katawan!" Malanding tugon ng isa pa.
Nagsitilian ang mga kababaihan.
Hay naku Dominic, ang tindi talagang magpakulo nito at pati mga kababaihan ay nangingisay na sa kilig.
Tumawa nalang ako.
But now, I'm already wondering. Bakit niya ako pinadadalhan ng mga bulaklak? Normal pa ba iyon sa magkaibigan?
"Anong kaguluhan 'to?"
Natahimik at napayuko kaming lahat nang mapagtanto naming nasa opisina ko na rin si Argo at galit ang tono ng kanyang pananalita.
Tumingin siya sa aking desk pagkatapos ay sa akin naman gamit ang mabigat niyang titig.
His jaw clenched.
"You all go back to work now." Mariin niyang sabi.
Ang lahat ay natarantang bumalik sa kani-kanilang mga cubicle. Kami na lamang ni Abby ang natira sa loob kasama si Argo.
"Kung papagalitan ka niya, andito lang ako." Bulong ni Abby.
I heard Argo sigh violently before leaving my office.
Para kaming nabunutan ng tinik ni Abby nang nakalabas na siya na napaupo pa kami sa sofa.
"Anong meron kay sir? Ang sungit."
Napakibit-balikat nalang ako dahil pati ako ay hindi rin alam kung bakit. Maybe dahil nandito kaming lahat at nagkukumpulan kaya ganun. Whatever.
"Hindi naman iyon ganun 'pag nakikita niya kaming nagkukumpulan dati." Nakatulalang sabi ni Abby.
Napaisip ako sa kanyang sinabi. Ano nga ba talagang meron sa kanya ngayon?
BINABASA MO ANG
Way Back To You
RomanceVia broke up with Argo dahil ayon sa kanya ay ayaw niya ng long distance relationship. Magtratrabaho siya sa US. Argo, on the other hand was devastated because of what Via did. After 3 years, bumalik si Via ng Pilipinas as commanded by her parents...