Chapter XXXVI

600 16 2
                                    

Chapter XXXVI
Meet Up

"Oh my gosh, Elliz!" Mangiyak-iyak kong sabi habang sinasalubong si Elliz sa airport.

Finally! Naisipan na rin niyang umuwi! At least may makakasama na ako ulit sa mga kalokohan ko. My bestfriend is back for good!

"Via! I missed you, sis!" Mangiyak-iyak niya ring sabi tsaka ako mahigpit na niyakap.

Oh yes, ganito kami ka-drama.

Dumiretso kami ng bahay. Sa bahay muna siya titira pansamantala habang hindi pa siya nakakahanap ng trip niyang condo unit. Sinabihan ko nga siyang kahit doon na lang habang single siya. Our house is widely open for her! Pero itong 'mahiyain' kong kaibigan ay tumanggi. Well, hindi ko na siya pipilitin. Okay na sa akin na makasama siya doon ng ganun katagal. In-offeran ko rin siyang mag-apply nalang rin sa kompanya ni Argo pero sabi niya'y may nag-offer na sa kanyang kompanya noong nasa US pa siya. Sayang.

"So, how's life again with Mr. Javier?" Nahimigan ko ang pang-eechoss sa kanyang boses.

Nilingon ko siya habang nagda-drive.
"Hmm, better." Nangingiti kong sabi.

"Aba aba, parang kailan lang noong pinipilit mo siyang kalimutan ha? Ngayon kung makangiti wagas. Marupok ka rin talaga girl!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Aren't you happy that we're back together, sis?" I raised my left brow.

"Of course I am! Gusto lang kitang asarin sa mga pinagsasasabi mo noon, sis. Gusto mo isa-isahin ko?"

"Shut up!" Naiirita kong sabi.

Now ,araw-araw na namang may mang-aasar sa akin. Inaamin ko namang ma-drama ako sa kanya noong naghiwalay kami ni Argo. Mas maganda yatang nasa US nalang siya?

Humagalpak siya sa tawa. Pasalamat siya at nagda-drive ako kundi ay kanina ko pa siya nasupalpal.

"Easy, sis. Kaya nga kita tinatanong 'di ba?" Natatawa pa rin siya.

I rolled my eyes. "Whatever."

"But sis," Ngayon ay sumeryoso na si Elliz.

"What?"

"May I ask you an intriguing question?" Nanunuyo ang boses niya.

Kumunot ang aking noo at binalingan siya saglit. Istorbo sa pagda-drive tsk. "Ano 'yon?"

"Uhm, I'm just curious, did you...uh...somehow made love already?"

Napa-preno ako ng malakas dahil sa tanong niya.

What the hell!

Why is she asking me that kind of question while I'm driving? Oh fuck! Memories from that day popped up on my mind again.  Gosh!

"Ano ba, Via? Nauntog ako dun ah!"

"Kung ano-ano kasing tinatanong mo!"

"Ohh. From your reaction, hmm. Okay."

"Ano?" Nakakunot-noo kong tanong. Abot-abot pa rin ang tahip ng aking puso sa gulat.

"Di ka na virgin 'no?"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Kailangan niya ba talagang sabihin iyon? These are the disadvantages of having her with me.

"Tss."

"HOLY SHIT!" Napatakip siya sa kanyang bibig, nakumpirma ang kanyang hula.

Kaya naman all the way ay hindi niya ako tinantanan sa mga tanong niyang nagpaloka sa akin.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon